Trouble
"Sheska ! Sheska ! , dali halika rito tumayo ka na riyan bilisan mo" sigaw ni Claire .
"Shhh. Quite !!! " inis na sabi ng librarian.
" Sorry Ma'am"
Bat ba nagsi sisigaw itong si Claire to think na nasa library kami at halatang naiinis ang ilang studyante sa pag sigaw nya."Shh!! bakit ? ano ba ang nangyari" mahina kong tanong ng nakalapit na sya.
"Basta sa labas na muna tayo." Wala na akong nagawa ng kundi tumayo at ayusin ang mga gamit ko .
"Ano ba ang nangyari ? " naiinis ko ng tanong kasalukayan kasi akong nagrereview para sa quiz namin bukas.
"Yung bestfriend mong basagulero nasa gym napa away ulit" napapa iling na sabi ni Claire.
huh ? si Axel na naman?
Ano na naman ba ang ginawa nitong si Axel ?Tssk . ang pasaway talaga nun napapa away pa lang yun nung isang linggo ah.
Napakamot nalang ako sa ulo at hinila na si Claire.
Tumakbo na kami papunta sa gym."Sino na namang kaaway nya ngayon ?" naiinis kong tanong habang lakad-takbo kami papuntang gym.
Basagulero talaga nung isang yun.
"Narinig ko na si Vince eh "Hinihingal kami ng makarating sa gym. Maraming mga studyante na sumisigaw at nag chi cheer pa sa away na nagaganap. Naiinis akong naglakad palapit sa malaking kumpol ng studyante.
"Oh! ikaw pala yan Sheska, bida na naman yung bestfriend mo. " tatawa tawang sabi ni Mateo, barkada ni Axel.
"Bakit hindi nyo awatin?" nakataas ang kilay na tanong ko.
"Nah.. hindi na , hayaan mo sya .At isa pa kita mo naman na nag eenjoy sila sa show." sabay turo nito sa mga studyanteng nakiki usosyo.
I glare at him . Pare pareho sila mga walang alam kundi gumawa ng gulo. Nasan ba ang ibang barkada nito. Si Evan ? medyo matino pa naman ito kumpara kay Mateo na certified playboy.
Nagpalinga linga ako pero wala sila.
Tumingkayad ako at pilit na sinilip ang nangyayari pero useless dahil hindi kaya ng height ko.
"Don't tell me pipigilan mo sila ? You're no fun Shes.
Come with me. Magdate nalang tayo. " saka nya ako hinila sa kamay at kinindatan.Eww.! Yes Mateo is handsome and a flirt but he is so annoying.
Pinandilatan ko sya ng mata at hinila ang kamay ko .
Tssk. Asan ba ang guard at teacher at hanggang ngayon ay wala pa rin ?
"Ang sungit mo na naman , lalo ka tuloy gumaganda. Nakakainlove." he said and smirk. Napabuntunghininga nalang ako kahit sanay na ako sa kalandian ni Mateo nakakainis parin.
"Tigilan mo nga ako Mat" saka ko na hinila si Claire para makipagsiksikan.
"Padaanin nyo nga kami . !!, padaan sabi eh." malakas na sigaw ni Claire.
"Go ! Baby Axel beat him"
"Yes, Axel teach that bastard a lesson. "
nag sisigawan na sila at nagkakagulo rin."Aray , padaanin nyo naman kami kung hindi itataas ko tong kili kili ko at tingnan nalang natin kung hindi himatayin kayo." malakas na pag kakasigaw ni Claire at tinaas nya ang kamay nya. Baliw ba talaga ang babaing ito ?
" Claire ! ano ba yan ?"Agad tumingin sa kanya.ang mga nakarinig at nagsabing " ewww" " what's with that girl?" . Aarte. Pero umiwas rin kami naman sila.
" Kitams! effective diba?" masayang sabi ni Claire ng sa wakas ay nasa unahan na kami at kasalukuyang nasasaksihan ang away nila.
BINABASA MO ANG
Innocent You
Teen Fiction"Alam mo bang sobrang naiinis ako sayo , dahil hindi mo alam na sa tuwing ngingitian mo ako ay nagugulo ang sistema ko , hindi mo alam na sa tuwing may kasama kang iba nagdidilim ang paningin ko sa selos. " -Axel ------- Sheska never thought that...