Chapter Three

42 11 0
                                    

Again

"IKAW NA NAMAN?" sabay pa namin na sabi at napangiti nalang sa isa't isa. Hindi kasi ito ang unang pagkakataon na nagkasabay kami. Linggo kasi  noon at pumunta ako sa National Book Store para ibili ng regalo si Missy ang libro ng Whimpy Kid, malapit na kasi ang ika eight birthday nya. Nang kukunin ko na sa shelf ay nakasabay ko sya sa pagkuha at bahagya pa akong nagulat dahil kilala ko sya. Si Ashton Lopez ang kasalukayang Team Captain sa basketball ng University namin.

Kaya pala sya pumunta sa NB ay para sa request ng bunso nyang kapatid. Pero naubusan na pala ng stocks kaya sa huliy binigay ko nalang sa kanya. Ayaw pa nga nyang pumayag dahil unfair daw yun sa part ko dahil ako naman talaga ang nauna . Pero sinabi kong maghahanap nalang ako ng iba at saka nagdahilan ako na hindi ko pa naman kailangan. Sa huliy tinanggap rin nya kahit nag aalinlangan dahil spoiled daw ang kapatid nya at siguradong magtatampo pag wala syang nadala para rito .
Ang bait at mapagmahal pala syang kapatid  at nasabi ko nabang crush ko sya . Secret lang ah pati kasi sila Claire , Yvonne , Blaire , Yhannie at Anton hindi alam.

Sa sunod na linggo pa naman ang birthday ni Missy kaya siguradong makakahanap pa ako ng paborito nyang libro .

  "Well, it's good to see you again . Mukhang pareho  pa tayo ng paboritong  flavor ah " sabi nya at inabot na kay Manang ang dalawang  gatorade kasabay ng bayad. Mabilis akong naglabas ng pera pero nginitian lang nya ako.

"Don't bother , my treat isa pa nakakatuwang makita kita ulit. Anyway hindi pa pala ako nag papakilala. I'm Ashton Lopez Engineering student. " nakangiti nyang sabi at nag lahad ng kamay. Oh God totoo ba to kaharap ko ngayon ang crush ko . Pano ba namang hindi eh super gwapo nya mag mula sa chinito nyang mata na sa tuwing ngumingiti sya ay parang nagniningning ang mga mata nya, ang natural na mapupula nyang lips at matangkad rin  sya .  Agad akong namula ng kumindat pa sya sakin. Tinanggap ko ang kamay nya.

"Ah , Ako nga pala si Sheska Perez. Grade 12 salamat dito sa  libre ah ." nagsimula na kaming maglakad palabas.

"Welcome Sheska , nice name at unique ah  ngayon ko lang narinig . Nice to meet you again "  at tumitig pa sya sa akin grabe nakakailang.

"Yeah , sabi nga rin nila " nahihiya kong sabi. May mga lumilingon kasi sa gawi namin na mga babae at panigurado nagtataka sila kung sino ang kasama ng crush nilang si Ashton.

"Salamat talaga nung nakaraan ah , tuwang tuwa si Lorraine . "

" Ah wala yun , mabuti nga at hindi sayo nagtampo ."

"Yeah , na spoiled kasi ang batang yun.May nahanap kana ba na libro ?"

"Wala pa , hindi pa kasi ako tumitingin siguro sa weekend nalang. "

"Ganun ba , pasensya na talaga. So, pano Sheska kailangan ko narin kasing pumasok malapit ng mag time sana mag kita pa tayo ulit "

Sunod sunod akong tumango at nahihiyang ngumiti sa kanya.

"Sige , salamat ulit dito " at winagayway ko ang hawak na gatorade  tumango lang sya at tumalikod na . Pinagmasdan ko sya habang papalayo . Totoo ba to ? naka usap ko sya ulit. Parang gusto ko tuloy mag happy dance sa sobrang saya . Lumingon pa muli ako sa kanya at nakita ko syang nag we-wave habang nakatalikod sakin . OMG! kinikilig ako .

   Umakyat na ako sa second floor para sa first subject na hindi maikubli ang ngiti. Malapit nakong malate . Paliko na ako sa hallway ng biglang sumulpot mula sa kung saan si Yvonne.

"Sheska !"
"Yvonne! Oh God bakit bigla ka nalang nanggugulat ?"

"Totoo ba ang nakita ng magandang mata ko kanina , kausap mo si Ashton Lopez . !! " malakas na tanong ni Yvonne dahilan para mapalingon ang ibang naglalakad sa hallway . Inalog alog pa talaga nya ako .

Innocent YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon