Chapter Five

38 5 2
                                    

Jeep

"Ulitin mo" tinatamad na sabi ni Axel sabay tapon sakin nung sketch pad.

"Ano? Aba Axel nakakaasar kana talaga ah, kanina mo pa to pinapa ulit! " pinandilatan ko siya ng mata.
Kanina pa kami nakaupo at ang damuho gustong e- drawing ko sya at dapat raw ay gayang gaya. Aba! anong tingin nya sakin professional? Nakaka pag init talaga ng ulo.

Nakailang ulit na ako ng drawing sa kanya at ang rami rami nyang reklamo kesyo masyado raw malaki yung mata nya sa drawing, hindi gaya ang style ng buhok nya, mali ang hugis ng labi. Aisshhh! tatamaan na talaga sakin ang kumag na to.

"Pwede ba, gawin mo nalang ang rami mo pang reklamo.Parusa mo to, hindi ba ? " nakangisi nyang sabi. Dahil sa hindi ko pag sipot sa usapan namin ay ito raw ang parusa ko, at hanggang ngayon ayaw nyang sabihin kung saan ba dapat kami pumunta.

"Ano ba ang gagawin mo sa drawing na to? Nasasayang lang ang sketch pad ko ,eh ang mahal-mahal ng bili ko rito." singhal ko. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko dahil sa gutom at pagkatapos ng P.E namin ng kakaladkarin lang nya ako para e-drawing sya at titigan lang ako. Hindi ata nakainom ng gamot ang taong to.

"Wag ka ng magreklamo. Ibibili nalang kita ng bago basta tapusin mo na to."

"Pano ko nga matatapos kung palagi mong ipinapa-ulit sakin!?" pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa inis.

Kinuha ko ulit ang sketch pad at ngumuso. Nagugutom na talaga ako samantalang ang walang pusong lalaking to prenteng naka-upo at pinagtatawanan ako.

"Bat nanunulis na naman yang nguso mo ? " pigil ang ngiti na tanong ni Axel.

"Paki-alam mo? Wag ka ngang magulo." naiinis na sabi ko at tumitig sa mata nya para makuha ko ang tamang hugis nito, pero napansin kong nakatitig rin siya sakin na parang menememorya ang detalye ng mukha ko.

Bigla akong nakaramdam ng pagkailang at kaba kaya kumurap kurap ako. Hindi ko alam kong ano bang tawag dito pero kakaiba lang talaga syang tumitig parang--- . Ah basta , yumuko ako ulit at nag focus sa pagguhit pero nakaka inis lang yung pag tsi-tsismisan nung nasa gilid namin.

"OM! ang gwapo talaga ni crush " kinikilig na sabi nung isang babae sa gilid namin.
"Palagi ba syang tumatambay rito? Dapat pala dito nalang rin tayo mag hang-out " sagot nung isa.

"Tama ka dyan girl, at least makakakita tayo ng magandang view."
nangangarap na sabi nung isa.

" Ay sino ba yung kasama nya? Girlfriend? "
Grabe sila ah, parang walang nakakarinig ng bulungan nila

"Well di ko rin alam , pero for sure hindi sya girlfriend. Mukhang hindi ganyan ang type nya eh. Sobrang simple at saka balita ko lesbian sya. "

"Talaga ? Nakakatakot naman sya."

Ako lesbian ? Nakakatakot? Aba kung di ba naman makakati ang dila ng mga ito. Sinulyapan ko si Axel na nakataas ang kilay habang nakangisi sa akin. Pinandilatan ko sya at biglang tumayo papunta sa table nung malalanding babae, ngunit bago pa man ako makahakbang napigilan ako ni Axel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Innocent YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon