Chapter Two

50 10 0
                                        

 Ride

Maaga akong nagising kinabukasan . Naligo at tumulong akong magluto kay Nanay Sol. Nag luto kami ng chicken soup para kay Angela pinsan ko .

   Matagal na rin akong nakatira sa poder ng Tita Belle.Bunsong kapatid ng aking ama. Matagal ng patay ang mga magulang ko kapapanganak lang noon sakin ni Mama ng bawaian sya ng buhay. Hindi sana sya mamatay kong pinili lang nya na ilagtas ang sarili kesa sa akin. Tanging picture lang Mama Kath ang meron ako namana ko sa kanya ang medyo wavy brown hair ko pati ang kutis na pag ka mestisa. Habang nakuha ko naman kay papa ang mga mata mahaba ang pilik mata at tangos ng ilong. Napatay naman ang papa sa isang engkwentro. Pulis si papa at nasa duty noon ng may biglang nagkaroon ng hostage taking at sa halip na matamaan ang hostage ay sumalo noon ay ang tatay ko . Nasa apat na taon palang ako noon at wala pang masyadong alam sa nangyayari.

Naging malinaw lang sakin ang lahat ng mag labin dalawang taon ako na wala na akong magulang. Malungkot dahil hindi ko man lang naranasan na makasama sila.Nakakainggit sa tuwing nakakakita ako ng mga kompletong pamilya. Gayunpaman masaya narin ako at may ilang mga pangyayari naman na naikwento sakin ang tita at sobrang proud ako sa kanila. Maswerte ako dahil sila tita narin ang nag paaral sa akin. Wala naman akong masasabi sa pagtira ko dito kung ituring naman ako ni tita ay parang isang tunay na anak narin .

Naputol ang pag muni muni ko ng tawagin ako ni manang .

"Anak, paki tawag naman ng pinsan mo at sabay sabay ng makakain . "
tumango ako at agad na umakyat sa taas . Madalas na kami kami lang ni Nanay Sol at Angela sa bahay madalas wala si Tita Belle dahil isa itong Doctor at laging nasa duty habang ang asawa naman ni Tita ay nasa madalas na out of town dahil narin sa isa itong negosyante , si Tito Allen. Si Kuya Ian, panganay nilang anak ay busy narin sa sinisumulang bussiness.

   Mula pagka bata ay prinsesa na ang turing kay Angela dahil bukod sa bunso ito mayroon ring sakit sa puso.Hindi ito pwedeng mapagod at maging emosyonal dahil malaki ang epekto nito.

  "Angela? " marahan akong kumatok at narinig naman niya kaagad.

"Pasok ka Shes . "
pumasok ako at nakita ko sya na nakaharap sa salamin at nag aayos na para pumasok , pinag masdan ko sya tulad ng dati palagi ko syang naabutan na nag aayos. Babaeng babae kung kumilos, manamit si Angela at mahilig mag ayos hindi tulad ko na mabibilang ata sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na nag suot ako ang dress. Kuntento na ako sa shirt at jeans lang.

Maganda si Angela at hindi na rin ako nagtataka na marami ang magka gusto sa kanya , ano pa ba naman ang hahanapin nila eh mayaman, mabait at maganda si Angela.

" Angela , kakain na tayo "
"Ah , sige couz baba nalang ako malapit na rin naman na matapos ako rito . " humarap ito sa akin at pinagmasdan ako. Saka napa iling iling at nilapitan ako .

"Alam mo Sheska dapat nang aayos ayos ka . "
Napatingin ako sa study table niya mayroon na frame roon. Kasama nya si Axel . Naka suot ng jersey si Axel at katatapos lang noon ng game ng mag papicture ang dalawa . Alam ko iyon dahil ako mismo ang kumuha ng litrato. Naka kapit sa braso ni Axel si Angela at todo ngiti sa camera. Noon pa ma'y alam ko ng mayroong gusto si Angela kay Axel. At hindi rin iyon lingid sa kaalaman ni Axel.

  Close rin naman sila ni Angela dahil hindi naman mahirap pakisamahan si Angela. Hindi ko nga lang alam kong anong feelings mayron si Axel sa kanya .

" Ano ka ba hindi na , sige na bababa nako sumunod ka na huh . "

Mabait si Angela at close kami sa isat isa sinasabi at nag kwekwento rin sya sa akin ng mga crush nya at ng mga naging boyfriends.Matanda ako ng isang taon kay Angela she's just 17 and I'm 18 , pero nauna pa sya sa aking mag ka boyfriend . Well I dont mind anyway wala pa sa isip muna ngayon ang pag bo-boyfriend, gusto ko lang na makatapos ako at ng sa gayoy matuwa sila tita sakin dahil hindi ko sinayang ang chance na binigay nila.

Innocent YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon