Chapter 2

4 0 2
                                    

Kinabukasan,

Anak gising na kayo! Sabi ni mama at tinuktok pa ang dingding na malapit sa higaan namin. feeling ko nagwawalis sya dahil naririnig ko ang mga dahon na tila ba iniipon sa isang sulok. Tiningnan ko ang mga kapatid ko na tulog na tulog pa rin sa aking tabi.

Sa isang kwarto kasi kaming magkakapatid natutulog. Naglalatag lang kami ng banig , may unan at kumot lang ayos na sa amin. Ako ang unang nagigising sa amin kapag nanggigising si mama . Ang mga kapatid ko mamaya pang alas-diyes ang gising ng mga yan kahit maputulan pa ng litid si mother kasisigaw walang silang pakialam!. Nagkataon kasi na ako ang panganay so i need to help my mother and my father in terms of everything. Maging sa pagluluto, paglalaba o paglilinis ng bahay. Kahit nga sa palayan na inaalagaan ni papa eh tumutulong din ako kahit na medyo sensitive ang balat ko. Tinutulungan ko sya mag-weather , naghahantraktor din ako minsan, nagpupunla, at nagtatanim din ako ng palay. Kahit hate na hate kong lumubog ang mga paa ko sa maputik na plot na iyon , no choice ako dahil wala namang ibang tutulong sa kanila maliban sa akin at kung minsan yung sumunod kong kapatid na si Jaya. Kapag nagsimula namang bumunga ang mga tanim ako ang rin ang nagbabantay dahil sa mga maya na walang tigil sa pagkain ng butil . May pagkakataon pa na kailangan kong sumuot sa makating dayami ng palay.

Dahil nagbu-bunganga na si mama bumangon na ako. Nakakarindi na eh.

Isa sa mga dahilan , kaya inis ang mga kapatid ko sa kanya bukod sa strikto at pagmumumilit niya na makakuha kami ng mataas na marka ay ang pagiging bungangera ni mama.

Nagtupi lang ako ng kumot at ipinatong ko iyon sa ibabaw ng unan kong bulaklakin. Saka ako bumaba sa tatlong baitang na hagdan. Ginawa ko muna ang morning rituals ko like maghilamos, magtoothbrush, magsuklay at talian ang hanggang baiwang kong buhok saka ako pumunta sa kusina para magsaing. Nagluto na rin ako ng adobong sitaw para sa agahan namin. Pagkatapos ay pumunta ako sa likod ng bahay para ibigay kay mama ang lighter na hinihingi nya.

Nakapagluto ka na ba? She questioned without looking at me.

Opo. Mag-iipon lang po ako ng tubig . Pupunta na po ako sa poso.

Dito kasi sa lugar namin medyo mahirap ang tubig its either sa bundok ka magiigib or makikikonekta ka sa kapitbahay gamit ang hose.

Gisingin mo muna ang mga kapatid mo para may maglilipat sakaling puno na ang isang lalagyan. Pagkatapos mo punuan ang timba at batya maglaba ka na rin. Mahabang wika ni mama habang inaapuyan ang papel na gagamitin niya sa pagsisiga.

At dahil mabait akong anak sinunod ko na sya wala rin kasing mangyayari kapag nagreklamo pa. Bumalik ulit ako sa loob ng bahay para gisingin ang aking mga kapatid. Hindi naman ako nahirapan dahil tatlong sabi ko lang ng "gising na kayo " ay nagsibangon na sila.

Iligpit niyo na yan ha. Wag nyo na hayaang makaakyat dito si mama na ganyan pa itsura niyan, sabay turo ko sa mga hinigaan. kung ayaw niyong mapaliguan ng sangkaterbang dakdak ng ganto kaaga. I exclaimed to them while opening the window near sa pintuan. Jake pakibantayan mo ang tubig pupunta ako sa poso. Punuin mo na lahat para di magbunganga yung isang tao. Dugtong ko pa bago ako bumababa ng hagdan.

Si Jake ang ika-apat sa aming limang magkakapatid. 13 years old na sya this coming August.

Pagdating ko doon marami ng nakapila kaya naman naghintay pa ako ng isang oras bago nakahawak sa tangkay ng poso.

Medyo nakakapagod pa kasi ang hirap itaas at ibaba ng bakal na humihila para makaahon ang tubig mula sa ilalim.

Simpleng poso lang naman kasi ito. May mga batong malalaki at flat sa paligid para sa mga naglalaba dito. Isang puno naman ng dalungyan sa kanang bahagi at limang puno ng saging malapit sa bakal na hawakan kaya maari kang sumandal. Sa kaliwang bahagi naman ay ang bahay ng may-ari ng posong ito. Matandang dalaga siya na may isang maliit na sari-sari store.

An AngelWhere stories live. Discover now