Charlie's PoV
Habang nagiisip ako naramdaman kong may lumapit sa akin.
Ate MC nandyan ang manliligaw mo? Sabi ni Jaya
Bumaba ka na doon. Inabala pa talaga ako eh . Reklamo pa nito.Si Jaya pala.
Sige susunod ako. Nakangiti kong wika sa kanya. Saka tinanggal ang pink na kumot na nakabalot sa katawan ko.Isa lang ang manliligaw na alam kong pupunta sa ganitong oras.
That guy! He's showing an effort pero nakakaabala, inaantok na ako.Its true na hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal. Pero nagawa ko syang halikan dahil alam ko namang mabuti siyang tao. Don't tell me na im so malandi cause im telling you this! Totoong gagawin ko ang lahat para maibalik sa kanya ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. At saka boto sa kanya ang mga magulang ko maging ang aking mga kapatid so walang problema. The only problem is that kailangan kong tuparin at gawin muna ang mga bagay na makatutulong sa magulang ko at the same time sa sarili ko.
I do believe din na napag-aaralang mahalin ang isang tao lalo na kapag ipinararamdam niya sayo na special ka. He does a lot of effort to show you na lahat gagawin niya para sayo. Im not blind para hindi mapansin na may mga taong nag-aalala sa akin . At isa na doon si Dhen kahit kinaiinisan ko siya dahil sa pagsusumbong niya kay mama ng mga simpleng kalokohang ginagawa ko, na in the end nasasabon ako ni mama. I know he's just doing it because he cares for me. But still hindi ako nagkagusto or magkakagusto sa kanya sa ngayon. Not unless na proved niya sa akin na he is worthy of my trust and of my heart.
Tiningnan ko muna ang sarili ko dahil nakakahiya naman kung haharapin ko siyang mukha akong aswang. Puting damit na may 2 inches ang manggas at hanggang sa waist ko ang haba. Nakablack na pajama ako so okay naman presentable pa rin. Ipinusod ko lang ang mahaba kong buhok saka ako bumaba ng hagdan.
Pagdating ko sa sala naabutan ko syang kausap si mama.
O ayan na pala eh. My mama said ng makita niya ako. Nakatalikod kasi si Dhen sa akin kaya malamang di niya ako agad makikita.
Nakangiti muna siyang lumingon sa akin saka tumayo sa sofa na kinauupuan niya.
Good evening My dear. He sweetly said. Saka iniabot ang isang pack ng chocolate.
Kinuha ko naman iyon saka nagpasalamat . Bastusan naman siguro kung hindi ko iyon kukunin.
Ahm tita pwede po ba kami lumabas? Maglalakad lang po kami sa may park. Dhen asked my mom while smiling.
Sige ba basta ibalik mo lang ng buo iyang anak ko. My mom happily answered.
Sige ma. Paalam ko . Iniwan ko muna ang chocolate sa sofa bago kami lumabas.
Naglakad lakad lang kami sa tabi ng kalsada . Maliwanag naman ang buwan at mayroon ding ilaw ang mga poste kaya hindi siya creepy.
I dont know kung bakit ang tahimik ng taong kasama ko. Hinayaan ko na lang baka kasi hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala.
Ng makarating kami sa park umupo muna ako sa swing dahil nga pagod ako di ba? Kung hindi lang ito dumating. Sumunod din naman siya. Doon siya sa swing na malapit lang sa akin.
Bakit ang tahimik mo? Out of the blue kong tanong. Di kasi ako sana'y sa silent atmosphere.
Ahm wala lang. Nawawala yung dila ko kapag kasama kita eh. He shyly answered.
Ay grabe ! Kung tinatanggal ko kaya ng tuluyan yang dila mo. I jokingly threatened him.
Uy wag naman! Baka kapag tinanggal mo, di ko na maitatanong yung will you be my girlfriend at will you marry me! He said before he covered his lips.
YOU ARE READING
An Angel
NonfiksiWhen you believe in Angels, you have friends in high places! Angels may not always seem to come when you call them, but they'll always be there when you need them. Many people think Angels are only there for the big events, or when we summon them i...