Diary Entry #1

12 0 0
                                    

Diary Entry #1

         Sa unang araw ng pagpasok ko sa ikawalong baitang ay parang normal lang para sakin ang araw bilang isang estudyante. Una mong mararamdaman ang kahiyaan sa isa't isa lalo na at hindi pa kayo magkakakilala. Meron din namang nag uusap usap na marahil ay magkakakilala na sila.

        Sa aking paglilibot ng aking paningin, hindi ko mawari na lahat ng aking mga kaklase ngayon ay may itsura at alam kong may mataas na kaantasan pagdating sa kaalaman. Pero napukaw ng aking atensyon ay ang isang babae.

         Hindi ko maitatanggi sa aking sarili na maganda ang babae at sa unang pagkakataon ay hindi lalake ang nakaagaw ng aking atensyon kundi ang napakagandang dilag.

          Alam kong straight ako diary pero bakit ganun na lang naramdaman ko? Bakit sa dinami-dami kong kaklase ngayong taon ay yung babae pa na yun ang nakaagaw pansin sakin? Normal ba ito para sa babaeng katulad ko diary?

         Itutulog ko na nga lang to diary baka bukas wala na to hehehe. Goodnight Diary :)

Diary of a BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon