Diary Entry #3

19 1 0
                                    

Nasa taas lang ako ng rooftop sa abandonadong building. Isa rin ito sa paborito kong lugar kasi walang tao at walang gustong pumunta dito kundi ako lang.

Napaaga kasi ang alis ko kanina. Inaaway kasi ako ng tatay ko kesyo hindi ko daw siya tinulungan kagabi. Tss.. Bakit kasi magpapakalasing kung hindi naman kaya ang sarili? Nakakairita lang.

Masarap ang hangin dito, sarap matulog. Naiinis lang ako kasi bakit kailangan ko pang magpalda ng hanggang kalahati ng hita ko lang? di pa pwedeng magcivilian na lang? Ang hirap tuloy humiga. Kailangan pa nakatagilid.

Teka? Ano ba yun? Kaluskos ba yun? Impossibleng may pumunta dito, takot sila dito eh. Dumilat ako at bumangon. Tumingin ako sa paligid at may nahuli akong buhok na nakatago sa likod ng malaking upuan.

Psh. Tago pa siya, nakikita naman.

"Labas ka na diyan, wag ka ng mahiya" sabi ko saka muling humiga at pumikit. Haysss. Isang istorbo.

Naramdaman kong lumapit siya at tumabi sakin. Tinitignan ako na para bang hindi makapaniwala na nakita ko siya. Naiilang tuloy ako.

"Paano mo ako nahanap?" tanong ni... Nathalie. Oo siya ang nakita ko, wave ang buhok eh.

"Ginamit ang mata" walang kabuhay buhay kong sabi habang di pa rin dumidilat. Tinaas ko na lang dalawang kamay ko at dinaganan ng ulo ko.

"Common sense.." inis niyang sabi. Aba't! Tama naman ang sagot ko ah? Ginamit ko ang mata ko para mahanap ko siya. Hindi ko tuloy malaman kung bakit naprapraning ako pagdating sa kanya.

Nang mainip siya kakahintay sa sagot ko ay bigla na lang siyang bumuntong hininga. "You're weird" sabi niya saka humiga.

Alam ko. Gusto ko sanang sabihin kaso wag na lang, tinatamad ako eh.

"Hey! Can i ask you?" Diba nagtatanong na siya? sino weirdo samin ha?

"Diba nagtatanong ka na?" sagot ko kaya napasinghap siya. Nagulat ata.
Nang makabawi ay bumangon at umayos ng upo. Humarap siya sakin at tinukod niya ang braso niya sa tuhod niya at nakapanglumbaba. Paano ko nalaman? Syempre dumilat ako.

"Silly. Anong pangalan mo ba?" tanong niya at diretsong nakatingin sakin.

"Jennifer"

"Jennifer ano?" Ang kulit neto. hindi ko na lang sasagutin yan. Pumikit na lang ako. Bahala siyang alamin niya yun tutal kaklase naman niya ako eh.

Nagulat ako ng bigla niya akong hampasin sa braso kaya napadilat ako. Bumangon ako at tinitigan siya ng masama.

Pero di man lang natinag, "Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka!" sigaw niya sakin. Aba't! Binabawi ko ng mabait to. Sa mukha lang pala to mabait.

Sige patigasan tayo. Unting unti akong lumapit sa kanya kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tss.. Takot pala to.

Tinitigan ko siya sa mata pababa papunta sa labi niyang mapupula... Hmm, magandang labi ah. Hindi namamalat. Parang ang sarap tikman.

"Hoy! Di ka pa titigil?!" Sabi niya saka tumayo kaya tumayo din ako. Pasimple kong tinignan ang likod niya, sa pader siya babangga. Ayos talaga.

Mukhang magbabago talaga ako dahil sa kanya. Mukhang magkakagusto ako sa babae.

"Binabalaan kita! Kung ano mang balak mo itigil mo yan." bakas na sa boses niya ang takot at kaba. Yan dapat ka lang matakot sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary of a BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon