Diary Entry #2

14 0 0
                                    

Diary Entry #2

       Ang pangalan niya pala ay Nathalie Anne. Bumagay sa kaniya. Kung hindi pa kami mag 'introduce yourself' hindi ko malalaman ang pangalan niya. Parang akong isang lalake na nahihiyang tanungin.

      Napakaamo talaga ng kanya mukha, Kumikinang ang kanyang mga mata, ang labing mapupula at ang mala-alon niyang buhok na itim.

At nalaman ko din na pala kaibigan siya. Marami kaming kaklase namin ang kilala siya at hinihiyawan pa. Gusto ko pa siyang kilalanin pero paano?

Hindi ako pala-kaibigan sa paligid ko. Kontento na ako na mag-isa lang sa buhay. Nasanay na ako mula ng mawala siya, kaya okay lang kahit wala na akong kaibigan. Oo na iinggit ako pero wala eh, hanggang inggit lang ako sa kanila.

Oras na ng recess kaya lumabas na ako sa aming classroom. Pupunta lang ako ng canteen, bibili ng pagkain at maghahanap ng pwesto kung saan makakapag-isa ka. Ganito lang umiikot buhay ko. Ang boring no?

Habang naglalakad, hindi maiwasan ng mga estudyante dito na tignan ako pero ni isa walang nagtangkang kausapin ako. Lahat sila'y takot sakin na parang bang kakainin ko sila. Pffft! Nakakatawa lang..

Nakahanap ako ng pwesto sa likod ng building. Puro puno lang ang dito at walang tao. Malamang isa itong kagubatan kaya wala nagtangkang pumunta dito maliban sakin.

Sumandal na ako sa isang punong malaki at sinuot ang earphone ko sabay tugtog ng malumanay na kanta. Masarap tumambay sa lugar na ito. Presko.

Habang kumakain ako, bigla na lang pumasok sa isip ko si Nathalie. Tsk! Ang babaeng yun, lagi na siyang gumugulo sa isip ko. Ano bang meron sa kanya at nagkakaganito ako? Oo maganda siya pero-- wait? sinabi ko bang maganda siya?

Ang sarap iuntog ulo ko kainis.. Napapraning na ako. Ako magkakagusto sa babae? malabong mangyari yun..

"Boo! hahahahaha!" isang babaeng boses na biglang sumulpot at ginulat ako. Parang naman magugulat ako.

"Ay, di ka man lang nagulat" hindi naman ako tulad ng iba diyan na O.A kung magulat.

Tiningnan ko lang siyang blanko. Pero ngayon ko lang narealize na si Nathalie pala to.

Tumabi lang siya sakin at sumandal din sa puno. Aba't! Pwesto ko to ah?!

"Diba kaklase kita?" tanong niya sakin ng hindi tumitingin. Hindi ko siya sinagot at tinuloy ko lang ang pagkain sa kinakain ko.

"Hindi ka lang ba marunong sumagot?" hindi. Lalo na sa katulad mong makulit.

Hindi ko siya pa rin siya pinapansin kahit tapos na ako kumain. Pumikit na langako at nilakasan ang volume ng cellphone ko.

Ano ba sa akala niya? na papansinin ko siya dahil kilala siya ng mga estudyante dito? Bahala siya diyan.. Basta ako maatutulog na lang...

Pero nagulat ako ng bigla niyang kunin ang isang earphone sa tenga ko. Ano ba talaga problema nito?!

"Nakakainis ka! Kaya ni isa sa mga estudyante dito ayaw sayo! Ako na nga ang lumalapit sayo, tinataboy mo pa!" galit na bulyaw niya sakin. psh!

Bigla ko siyang tinulak at pumaibabaw sa kanya. Halata sa mukha niya ang gulat at takot.

Nasan na ang tapang mo ha? tsk.

Unting-unting nilapit ko sa mukha niya ang mukha ko na para bang hahalikan ko siya. Diretso lang ang tingin.

Tignan natin ngayon ang lakas mo Nathalie.

"A-Anong g-gagawin mo?!" tsk. Para siyang pusang takot na takot.

"Isang beses ko lang uulitin sayo to" parang ungol kong sinasabi sa kanya sa tenga niya.

"Stay away from me or else you suffer" tumayo na ako iniwan siyang parang tanga dun.

Dumiretso na lang ako sa room ko kasi magsisimula na ang klase. Dalawang subject na lang ito at uwian na.

Habang nagkaklase, napansin kong wala si Nathalie. Nasaan naman yun? Tsss.. Unang araw ng klase umabsent na. Teka? Bakit ko ba yun inaalala? Napapraning na naman ako eh

Hindi ko na lang iniisip siya at nakinig na ako sa guro na nasa harapan namin.

Nang magbell na ay lahat kami ay nagsitayuan na at nagsimula na mag-ayos. Pagkatapos mag ayos ay nauna na akong lumabas. Dumretso na ako ka agad sa sakayan ng jeep para maagang makauwi.

Nang makauwi na ako ay naabutan ko ang tatay ko na lasing na lasing sa harap ng aming bahay at pinipilit na ipasok ang motor. Psh! Walang sibli.

Dumeretso na ako sa kwarto at saka kita hinanap..

Ano sa tingin mo diary? Straight pa naman ako diba?

Diary of a BisexualTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon