CHAPTER 23

2.9K 105 17
                                    

MAINE's POV

Ikalawang araw na magmula ng ma-confine si RJ. Hindi muna siya pumasok sa EB. Pinalipat na rin next week ung dalawang shoot niya for product endorsement. Kahit na 3 days lang ang hinihinging pahinga ni Doctor Sevilleja, ako na 'yung nag-insist na gawing one week para makapagpahinga talaga siya. Good thing, napapayag ko ung management na may hawak sa kanya. Kaya naman this whole week sa amin lang siya.

"Mameeeeh! Anong gusto mong meryenda?" sigaw niya mula sa kitchen counter. Napangiwi naman ako dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Mameeeeh! Ano na?" ulit nito ng pasigaw pa rin tska sumilip sa akin dito sa living room. Kasalukuyan kasi akong nagpapa-breastfeed pero nang marinig ni Cadee ang boses ng Daddy niya bigla itong bumangon.

"Ssshhhh! Ang ingay mo!" pairap kong sabi ng makalapit ito sa amin. Nakasuot pa ito ng apron at magulo ng buhok.

"Sorry Mommy!" sabi nito tska ako biglang hinalikan sa labi. Bigla namang hinila ni Cadee ung buhok niya.

"That's ouchie baby" tska umarteng nasasaktan may papikit-pikit pang nalalaman dahilan para mapatawa si Cadee na ikinatawa rin namin pareho.

"Para-paraan ka daw kasi! Ayan tuloy nasabunutan ka" naiiling kong sabi dito.

"Awwww. You're really a darling daisy sweetheart" nakangiting sabi pa nito tska iniabot ang kaniyang kamay para buhatin ang anak.

"Hoy maghugas ka muna ng kamay tska alisin mo muna ung apron mo" pagpigil ko sa kaniya.

"Ang arte ni Mommy anak" sabi pa nito bago tumakbo pabalik sa kitchen.

Matapos ang ilang sandali bumalik na ito sa living room.
"Ayan. Malinis na ung kamay ni Daddy" he said showing both of his hands.

"Come to Daddy now" iniabot muli nito ang kaniyang kamay

"D-d-dada" sabi ni Cadee habang pinaglalaruan ang tenga ng Daddy niya. Nanlalaki ang mata at tila hindi makapaniwala namang napatingin sa akin si RJ.

"Whoah! That's her first word Mommy. He called me Dada" abot tenga ngayon ang ngiti nito.

"Yes baby. I'm your Dada" magiliw na pagkausap niya sa anak. "Can you say it again baby? Say Dada. Da-da" ulit niya pero hindi siya nito pinapansin kaya napatingin ulit siya sa akin.

"Oh, bakit ka nakasimangot?" tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Wala" sagot ko naman tska nag-cross arms.

"Sus! Tell me. What's your problem Mommy?" pangungulit pa niya tska tumabi sa akin.

"Eh kasi" napapout pa ako.

"Isa Nicomaine. Sasabihin mo ba o hahalikan kita?" aba't kita mo 'to.

"Eh kasi laging ako 'yung kasama tapos first word niya 'Dada'. Ang unfair!" pagsimangot ko pang lalo.

"Pft"sabi nito at tumawa ng malakas.

"Tapos tinatawanan mo pa ako. Ganiyan ka naman eh" tinalikuran ko silang mag-ama.

"Nakooo. Nagtatampo ang baby number 1 ko" anito na pinalambing pa ang boses pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Stay put ka lang diyan Cadee. Susuyuin lang natin si Mommy" rinig ko pang sabi nito sa anak na nakaupo sa lap niya. Tahimik lang naman itong naglalaro ng kaniyang laruan.

"Mommy" sabi nito tska hinalikan ang aking balikat "Ganito na lang. Tuturuan ko na lang siya para next time ikaw naman 'yung tatawagin niya" pangungumbinsi niya.

A Life Beside Him (AlDub/MaiChard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon