CHAPTER 29

3K 115 26
                                    

MAINE's POV

Tatlong araw ang lumipas at tatlong araw na rin kaming hindi nagpapansinan. Siya pa may ganang magalit eh siya naman 'yung may mali. Syempre asawa niya ako. Natural lang na mag-alala ako sa kaniya. Ano na lang ba naman 'yung isang text 'di ba? Text na nga lang hindi na tawag hindi pa niya magawa. Kahit simpleng 'I'll be home late' o kaya 'May work ako tonight' lang. Gaano ba kahirap 'yun?

"Tell me anak. Mali ba si Mommy?" pagkausap ko kay Cadee na kasalukuyan kong binibihisan. Katatapos ko lang kasi itong paliguan. "Concern lang naman tayo kay Daddy 'di ba? Nakakainis siya!" pagpapatuloy ko pa.
"Oh ayan. Tapos na" sabi ko tska ko siya iniupo sa bed. "Bango bango na 'yan. Pakiss nga si Mommy" I gave her kisses with gigil that makes her giggle.
"Ayan. Wait lang anak. Diyan ka lang. Sasagutin ko lang 'yung call. Eto toys mo. Mag-play ka muna ha" bilin ko pa rito tska siya hinayaang maglaro sa bed. Nakagitna naman siya kaya kampante akong hindi siya mahuhulog. Hindi pa rin naman siya ganun kalikot.

Mam Jen Calling ...

She is the Senior Vice President sa network na naghahandle sa akin. For sure tatanungin na naman ako nito sa kung anong desisyon ko sa offer niya sa akin na magbalik showbiz.

"Hello Mam Jen. Good morning po" magalang kong bati sa kaniya.
"Good morning Maine. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan ko na ng sagot mula sa'yo. Napagdesisyunan mo na ba ang sagot sa iniwan ko sa'yong tanong last week? Magbabalik ka na ba sa showbiz?" diretsahan nitong tanong. Sabi ko na nga ba dahil doon kaya siya tumawag.
"Mam Jen, alam niyo naman po na gustung-gusto ko ng bumalik. Namimiss ko na rin kasi. Kaso ayaw po ni Alden eh. Gusto niya po kasi dito lang ako sa bahay" malungkot kong sagot.
"Ikaw din. Sayang naman kasi 'yung kaya mong gawin kung magpapakaburo ka lang diyan sa bahay niyo. Ang dami dami mong talent, mabuting tao, hanggang ngayon marami pa ring nagmamahal sa'yo. Sa katunayan nasa sa iyo na nga lahat eh. Pero kung ano man 'yung desisyon mo, irerespeto ko. Huwag lang sanang dumating sa punto pagsisisihan mo lahat. Kasi Maine, opportunity na 'to eh" mahaba niyang salaysay na siyang nakapagpatahimik sa akin. Naiintindihan ko naman 'yung point niya. Sayang naman kasi talaga. Isa pa dagdag ipon din 'yun kung magtatrabaho ako. Mas maibibigay ko ang pangangailangan ng mga anak ko. I made a long pause before giving an answer.
"Mam Jen. Pumapayag na po ako. Babalik na po ako" I finally answered.
"I'm glad you made the right choice Maine. Paano ba 'yan, see you tomorrow. Ipapahanda ko na 'yung contract para mapirmahan mo kaagad. You don't know how happy I am to have you back" nagagalak na sabi pa nito.
"Ginawa ko lang po kung anong sa tingin ko tama. Pupunta na lang po ako diyan bukas ng umaga para sa contract signing" I said na sinang-ayunan naman niya and then I dropped the call.

Wala naman sigurong masama sa ginawa kong desisyon. Tulad ng sabi ni Nana maayos naman ang takbo ng negosyo namin. Puede na rin namang iwanan si Cadee dahil malaki na ito tska andyan naman sila para mag-alaga at tiwala naman ako dun. Si SethGab naman hindi na rin masyadong alagain. Ayaw ko namang maburo lang dito sa bahay tulad ng sabi ni Mam Jen. Aba sayang ang ganda kung hindi irarampa!

Napangiti naman ako sa naisip ko. They better watch out. The Maine Mendoza will be back! Ibinba ko na ang phone ko sa mini table tska ko binalingan si Cadee. Laking gulat ko ng makitang nasa edge na siya ng bed at pilit inaabot ang plush toy niya na nalaglag sa sahig. Konting galaw na lang niya malalaglag na siya. Dali-dali ko siyang nilapitan para maalalayan siya. May tatlong hakbang pa bago ko siya malapitan ng bigla siyang gumalaw. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Mataas pa naman ang kalalaglagan niya kung sakali.

"Jusko anak. Lagot na naman ako sa Tatay mo kapag nalaglag ka sa bed. Ang likot likot naman kasi. Manang-mana ka sa Kuya mo" pinakiramdaman ko ang sarili ko at mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Masakit din ang kaliwang kamay ko na siyang naitukod ko ng saluhin ko siya. Parang wala namang nangyari ng dahil hindi man lang ito umiyak o nagulat dahil sa pagtili ko.

"Buti na lang maagang umalis ang Daddy mo na sobrang taas ng pride" 'Sorry' lang naman kasi ang hinihintay kong sabihin niya hindi pa masabi. Sinigaw-sigawan pa ako. Aba bahala siya sa buhay niya. Magtiis siyang matulog sa guest room. Maaga rin itong umaalis para sa EB since regular niya 'yun. As far as I know wala naman siyang bagong project only some of those photoshoots kapag kailangan. Pagkatapos naman ay umuuwi rin kaagad pero diretso siya sa sarili niyang office dito sa bahay. He spend his time there tska matutulog. Ganun ang set-up namin for 3 days now.

"Nana may ointment po ba kayo? Namali po ata ng tukod 'yung kamay ko kaya medyo masakit. Hihilutin ko lang po sana" paliwanag ko sa kaniya. Naikwento ko na rin kasi ang nangyari kani-kanina lamang.
May inabot naman ito sa aking maliit na box.

"Nasaan nga po pala si SethGab? Hindi ko pa 'yun nakikita buhat kanina" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ba't kasama ni RJ?" napakunot naman ang noo ko. Lingid kasi sa kaalaman nila ang nabubuong tensyon sa pagitan naming mag-asawa.
"Wala naman po siyang nabanggit. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Tska may pasok po si SethGab bakit isinama niya?" naguguluhan ko pa ring tanong.
"Ang akala ko'y alam mo. Walang pasok ngayon kasi may seminar daw ulit ang mga teacher nila kaya sumama sa Daddy niya" paliwanag sa akin ni Nana.

Tumunog naman ulit ang phone ko. Baka si RJ na 'yung nagtext. Baka nakalimutan lang nitong sabihin na isinama niya ang anak. I expected that it was him pero si Mam Jen lang pala.

From: Mam Jen

9:00 am tomorrow ha. See you!

Pagpapaalala niya. Bakit nga ba umaasa ako na si RJ 'yun eh ni hindi nga niya ako makausap in person sa text pa kaya. Psh!

- -
Here's another one for y'all.
Thank you so much for the 50.8k reads.

-keiraesqueza-

A Life Beside Him (AlDub/MaiChard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon