CHAPTER 28

2.4K 93 20
                                    

MAINE's POV

Nagising ako ng madaling araw dahil sa iyak ni Cadee. It's 3:15 am. Pagtingin ko sa tabi ko nakita kong natutulog ang aking asawa. Hindi ko na namalayan kung anong oras siya nakauwi. Bumangon muna ako para ipagtimpla ng milk ang anak ko tska ko ito pinadede. Marunong na itong maghawak ng feeding bottle kaya naiiwan-iwanan ko na rin siya.

Dahan-dahan akong umupo sa bed para hindi magising si RJ. Nakadapa itong natutulog at ni hindi man lang nakapagpalit ng damit. Nakakunot ang noo, salubong ang kilay at makikita mo sa mukha niya ang pagod.

"Kawawa naman ang Daddy" mahina kong sabi tska sinubukang iunat ang nakakunot nitong noo at paghiwalayin ang salubong niyang kilay.

Seeing how tired he looked right now takes all my madness away. Tumayo ako para kuhanan siya ng sando tska shorts pamalit para mas maging kumportable siya. Mabuti na lang at hindi siya nagising sa ginawa kong pagbibihis sa kaniya. At in fairness naman, ang bigat niya.

Matapos ko siyang bihisan sinilip ko si Cadee sa crib niya. Payapa na rin itong natutulog. Nakataas ang isang kamay nito habang hawak naman ng isa pa niyang kamay ang feeding bottle na wala ng laman. Dahan-dahan ko itong kinuha tska inayos ang pink baby blanket niya para hindi siya malamigan.

"Knock out ka na naman anak. Thank you for not giving Mommy a hard time putting you into sleep" I whispered to her and then I kissed her forehead tska humiga na ulit ako.

"Hindi mo man lang ako tinext kagabi na may shoot ka pala. Kumain ka na ba ng dinner? Anong oras ka bang umuwi? Bakit hindi mo ako ginising? Pasalamat kang lalaki ka at mahal kita. Pero bukas magpapaliwanag ka pa sa akin ha" pagkausap ko rito kahit alam kong hindi ito sasagot dahil tulog pa rin ito. "Good night Faulkerson. Dahil diyan wala kang kiss" sabi ko sa kaniya tska ko siya tinalikuran. "Joke lang pala" pagharap ko ulit sa kaniya para halikan siya sa pisngi "Good night" ulit ko bago tuluyang magpahila sa antok.

Kinabukasan nagising ako ng wala na siya sa tabi ko. Saan na naman kaya nagpunta 'yun? Kinusut-kusot ko muna ang mga mata ko tska ako bumangon para i-check si Cadee. Wala na ito sa crib niya. Siguro kasama niya ang Daddy niya sa baba.

Sakto namang paglabas ko ng room kalalabas lang din ng panganay ko.
"Good morning anak" masigla kong bati dito.
"Morning Mom" sagot naman nito na naghihikab pa.
Sabay na kaming bumaba para mag-breakfast.
"Where's Dad?" tanong nito sa akin.
"Downstairs. I think he's with your baby sis" sagot ko naman dahilan para magliwanag ang mukha nito. Dahil sa pagmamadali, may apat na steps pa sa hagdan pero bigla itong tumalon dahilan para madulas siya.
"Jusko anak" sigaw ko tska ko siya sinubukang hawakan sa kamay para maalalayan pero dumulas siya sa pagkakahawak ko kaya tuluyan siyang bumagsak.
"Anak naman kasi" sigaw ko tska ko siya nilapitan. Iyak naman ito ng iyak. "Alin ang masakit? Did you bump your head?" tanong ko tska siya tumango. Tumama kasi sa dulo ng hawakan ang ulo niya bago siya napaupo. I check his arms and legs kung may pilay ba and thank God at wala naman. "Where? Let me see" I said tska pinunasan ang mukha niya na basang-basa na sa pawis at luha.
"What happened?" nagtatakang tanong ni RJ na buhat-buhat pa si Cadee. "Bakit umiiyak 'yan?" tanong ulit nito.
"D-daddy" tawag naman sa kaniya ni SethGab tska itinaas ang kamay na parang nagpapabuhat. Kinuha ko si Cadee para mabuhat niya ito tska ko ikinwento sa kaniya ang nangyari.
"Does it hurt?" tanong ni RJ habang hinahaplos-haplos pa nito ang ulo ng anak na nabukulan. Tumango naman ito.
"Ate Beth! Pakuha naman po ng ice pack. Salamat" sigaw ni RJ tska pumunta sa living room para umupo.
"Next time kasi anak don't do it again ha. Look at what happened to you" pangaral nito sa anak. Hindi naman ako nagsasalita kasi baka masigawan ko na naman si SethGab at magsimula pa ng pagtatalo na naman namin.

Ilang sandali pa hindi ko na natiis. Kinausap ko na siya tungkol sa hindi niya man lang pagsasabi sa akin na may shoot siya kagabi.

"Anong oras kang nakauwi kagabi?" pagsisimula ko. Syempre kailangan chill lang muna lalo pa't kaharap namin ang mga anak namin.
"Hindi ko na napansin 'yung oras" sagot niya na nilalagyan ng cold compress ang parte ng ulo ng anak na nagkabukol.
"Bakit hindi ka man lang nagtext na gagabihin ka pala. Hindi ka rin nagreply sa text ko" panunumbat ko pero mahinahon pa rin ang tono ko. Alam kong hindi masyadong naiintindihan ni SethGab ang pinag-uusapan namin dahil nga hirap ito sa pagta-Tagalog at konti pa lang ang naiintindihan niyang terms.
Pero para makaiwas na rin na tinawag ko sina Ate Beth at Nana para sila muna ang bahala sa mga bata. Mag-uusap kami ngayon sa ayaw at sa gusto niya. Nang masigurong hindi na nila kami maririnig binaling ko ng muli ang atensyon ko sa kaniya.
"Uulitin ko. Bakit hindi ka man lang nagsabi na gagabihin ka. Kahit man lang sana nagtext ka na lang" pagalit kong tanong sa kaniya.
"Low bat 'yung phone ko" maikli niyang sagot.
"Wow! Kailan ka pa naubusan ng battery life? Hello daw sabi ng extra battery tska ng power bank!" sarcastic kong sagot.
"Nakalimutan ko nga" medyo pasigaw niya na ring sagot.
"Kahit man lang sana nakitext ka. Sobrang hirap na ba nun? Masyado na ba kaming sagabal sa schedule mo? Pasensya ka na ha!" pinanatili ko pa rin ang tono ko na mas lalo niyang ikinainis.
"Punyeta naman Maine! Ang aga aga 'yan ang ibubungad mo sa akin? Pinangunahan na nga ng anak mo na nadulas sa hagdanan dahil sa kapabayaan mo tapos susumbatan mo pa ako ng ganiyan dahil lang hindi kita naitext kagabi. Napakawalang kwenta naman!" doon na tuluyang lumakas ang boses niya tska siya tumayo para umakyat papunta sa kwarto namin.

Hindi naman ako papayag na ganun-ganun na lang kaya sinundan ko kaagad siya.
"Kung sa'yo napakawalang kwenta, pwes sa akin big deal 'yun!" sigaw ko sa kaniya.
"Baka naman kasi hindi shoot ang pinuntahan mo kagabi" hawak ko pa ang aking baba habang iniikutan siya na animo nag-iimbestiga.
"Puede ba tama na! Nakakarindi eh!" sigaw niya tska lumabas ng pinto dala ang phone at susi ng sasakyan niya.

Just like that, naiwan na naman ako.

- -
This is only a fan fiction.

Sorry guys kung mabagal ang update. Sobrang napapagod kasi ako sa school. But anyway, thanks for keeping up with me always.

Follow me on Twitter: @keiraesqueza
Kwentuhan tayo dun.

A Life Beside Him (AlDub/MaiChard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon