CHAPTER 24

2.9K 105 32
                                    

MAINE's POV

"What happened? Why are you crying?" pupungas-pungas na tanong niya sa akin.

"Si Cadee" naiiyak ko pa ring sabi.

"Bakit si Cadee?" bumangon na siya para lapitan ako. "Sht!" mahinang bulong niya ng mahawakan ang anak. "Sobrang init niya. Anong gagawin natin?" natatarantang sabi niya. Lakad dito, lakad diyan. Pabalik-balik siya. Buhat buhat ko ang iyak pa rin ng iyak na si Cadee.

"Anak naman. Sana ako na ang lang nagkasakit. Ang hirap ng ganito" kasabay ng bawat paghikbi niya ay ang paghikbi ko rin. "Saan ang masakit? Tell me baby. Masakit ba 'yung tummy mo o 'yung head mo? Please tell Mommy now" nanghihinang napaupo ako sa kama buti na lang at mahimbing pa rin ang tulog ni SethGab.

"RJ pakibuhat mo muna si SethGab papunta sa room niya. Baka magising sa ingay" dahan-dahang binuhat niya ito upang mailipat sa kwarto.

"Anak. Please stop crying na" pagmamakaawa ko rito. Nilagyan ko ng socks ang paa nito tska hininaan ang aircon para hindi ito masyadong lamigin.

"Diyos ko pagalingin niyo na po ang anak ko. Hindi baleng ako na lang ang magkasakit 'wag lang siya" panalangin ko.

I checked her temperature and it was raised to 38.4. Medyo mataas ito. Hindi ko naman alam kung anong gamot ang ipapainom ko sa kaniya since walang prescriptions mula sa pedia niya kaya nilagyan ko na lang siya ng Kool Fever sa forehead niya.

"Let me" sabi ng asawa ko ng makabalik siya sa aming kwarto. "Ako naman ang maghehele sa kanya" ibinigay ko naman ito sa kaniya.

"Da-da. Da-da" sabi nito tska isinubsob sa leeg ng Daddy niya ang mukha niya. Unti-unti namang humina ang pag-iyak niya. Buti na lang talaga andiyan lagi ang asawa ko para tulungan ako.

"Ssshhhh. Hush now sweetheart. Dada's here" mahina niyang bulong dito habang hinahaplos ang likod nito. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon hanggang sa makatulog ang anak.

Ibababa na sana niya ito ng bigla na naman itong umingit. Kaya nanatili sila sa ganung posisyon hanggang sa nasigurong tulog na talaga ito.

"Grabe 'yung kaba ko kanina. Napaka-walang kwenta kong Mommy. Hindi ko man lang mapatahan si Cadee" nakayukong sabi ko habang nakaupo sa kama. Naiiyak na naman ako kaya nilapitan ako ng asawa ko at binigyan ako ng mahigpit na hawak.

"Ako rin naman eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Mabuti na lang at nakatulog na siya. It's not your fault naman eh. Normal lang sa baby ang magkasakit and it didn't made you a bad mother. Stop being so hard on yourself Mommy" he said then he kissed me on my forehead as he pulled me in for a tight hug.

"Pero Daddy mainit pa rin siya. Paano kung napano na si Cadee" kasabay na naman nito ang pagpatak ng luha ko.

"Bukas na bukas dadalhin natin siya sa pedia niya. Stop worrying. For now, you need to rest. Kakailanganin mo 'yan. Dito lang ako. Babantayan ko kayo" he assured me.

"Promise?" tumitig ako sa mukha niyang halata pang inaantok.

"Promise. But I'll be on the other side of the bed para sa gitna natin si Cadee" tumango ako bilang sagot "Sleep now Mommy" he said and kissed me on my forehead. He is really the sweetest.

Then morning came. It's 5am and I immediately checked Cadee's temperature at normal na ulit ito. Mabuti na lang at nagdire-diretso ang tulog niya after niyang magising kanina. Pero panigurado maya-maya lang gigising na ito. Kagabi pa siya hindi nagmimilk.

"Kanina ka pa gising?" bungad sa akin ng aking asawa pagpasok niya sa room.

"Hindi naman. Kakagising lang. Ikaw?" I asked in return.

A Life Beside Him (AlDub/MaiChard)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon