Chapter 2

25 1 1
                                    

Summer's Pov

2 weeks na simula dumating yung dalawang transferee. At etong isa ginugulo ako

"Summer! Wait lang! Sabay na tayo magrecess" oh dba? Hindi ko na siya nilingon kasi alam ko namang hahabulin niya ako.

" Summer. Libre kita. Ano gusto mo? ^^"

"Gusto kong umalis ka sa buhay ko"

"Summer naman eh! Sus crush mo ko noh. Yieeee!"

"Shut up! Nathan!" yup. Nathan ang name ng isa sa transferee. Napakaingay neto at napakakulit. Inakbayan niya ako. Tinatanggal ko pero binabalik niya parin. Kaya hinayaan ko nalang. Nakatingin lahat ng makakasalubong sa amin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?

Nagsabay na kami pababa at papunta sa canteen. Pagdating sa canteen. Nakakabinging tili ang sumalubong sa amin.

"I love you papa nate!"

"Ang pogi mo nathan!!"

"Im gonna die! Im gonna die"

Mamatay na sana ng tuluyan yung babaeng yon -_-. Tili sila ng tili eh ang Pangit namang ng kasama ko. Umm. Sige na nga. Pogi siya pero hindi ko siya gusto noh! Baka isipin niyo gusto ko siya.

Nagpunta kami ng counter. Tutal ililibre niya ako. Dinamihan ko na inorder ko. Pizza. Chicken and rice. Coke. Fries. Oo na ako na matakaw -_-. Tapos siya? Pasta lang at burger.


Ang sarap talaga pag libre!

"Nate. Umm. Thank you"

"Sus okay lang yun. Basta ikaw Summer" *winks*

Tinuloy ko yung pagkain ko. Nakita ko naman nakatitig lang sa akin si Nate. Sumulyap ako sa pagkain niya. Hindi niya pa nakakalahati.

"hoy bakit nakatitig ka sa akin?"

"Ang cute mo kasi kumain" sabay pisil niya ng cheeks ko. cute daw ako? *blush*

"Uyyyyy! Namumula si summer"

"Che! Kumain kana nga lang diyan"

Kahit kumakain na siya. Kinukulit parin ako. Naglabas siya ng cellphone at tinapat sa akin.

*click*

"Nate! Akin na yan! Idelete mo yan!" hinabol ko siya hanggang makalabas ng canteen.

"Nate akin na!"

"Habulin mo muna ako!" umabot na kami hanggang field ng school. Binilisan ko yung takbo hanggang sa humarap siya at......

*boogsh*


Parang ang lambot ng binagsakan ko. Kinapa kapa ko. May abs. 6 pack abs! T-teka? May abs ang lupa? *pikit* *mulat* *pikit* *mulat*


"Waaaaaaah!"

Kay nate ako bumagsak!!

Bigla akong tumayo at tinignan siya. Gulat din siya at namumula.


Sa sobrang kahihiyan. Nagsimula na ako maglakad. Napahinto ako ng may nahagip akong tao sa may gilid ko.

Si Alexander, isa sa transferee. Nakatingin siya sa akin? Hindi. Tumingin ako sa likod. Kay Nate siya nakatingin.

Nakatingin ng masama

Anong problema nun?

From Me To YouWhere stories live. Discover now