Chapter 5

18 0 0
                                    


Summer's POV

"Kristoff!! Alyanna!!" tawag ko sa dalawang kong bestfriend. Sila ang mga bestfriend ko. Matagal na kaming magbebestfriends. Couple sila. At sobraaang sweet nila.

"Summer!! yieee! I miss you bestiee!" sabay yakap sa akin ni alyanna!

"Yieee! I miss you too! Hmp. Nakakapagtampo ka. Antagal mong nawala. Pasalubong?"

"Wow pasalubong agad? Di mo muna ako kinamusta. Hate you na."

"Hoy! Ako di mo ko namiss?" biglang singit ni Kristoff na naka bukas ang dalawang kamay na parang hinihintay akong yakapin siya. Lumapit ako at yinakap ko siya ng napakahigpit..

"Syempre namiss kita. Ikaw ba naman besssssss" besssssss tunog ahas. Hahahaha. Joke lang!

"Oh eto! Andami namin binili para sayo. Syempre sa pagkakakilala namin sayo. Hindi ka marunong makuntento sa isa"

"Loko! Hmp" binuksan ko yung dalawang paperbag na binigay niya! Wow!! Maraming shirts. Dalawang box ng shoes na Nike. Chocolates. Belgian Truffles! My fav! At Sobrang daming iba pa! At mga anime collectibles!

"Thank you bestieeees!!" sabay yakap ko sa kanilang dalawa. Galing silang Japan. Para icelebrate ang kanilang anniversary. Legal sila. Kaya pinayagan sila at kasama naman nila yung yaya ni Alyana. Tumagal din ng 1 month ang stay nila sa Japan kaya late na sila nakapasok. Close ang pamilya nila sa isat isa kaya ganon nalang din na hindi mahigpit ang pamilya sa relasyon nila. Sa sobrang boto nga kulang nalang patirahin sila sa iisang bahay! Hays.

"Nagsasama lang kayong tatlo nakalimutan niyo nnman ako!" medyo padabog na sabi ni Kylie. Si Kylie Rivera. Ang isa pa namin bestfriend Pero since nung 1st year palang. Madalang ko siya makasabay ngayon. Ewan ko ba dito. Bigla biglang nawawala.

Nagumpisa na kami maglakad papunta sa classroom namin dahil malapit na magstart ang first period ng afternoon class namin. Which is History! Oo nakakaantok! History! Pero hindi ka aantukin. Kasi NAPAKA terror lang naman ng teacher namin dito. Akala mo palaging bumubuga ng apoy. Mukha ngang dragon mukha niya eh. Sorry sir! Hahaha. Habang naglalakad kami biglang may sumigaw. At alam ko na kung sino na yun. Isa lang naman tumatawag sa akin ng....

"Sammy!"

Oh dba? Edi sino pa. Yung NAPAKAINGAY na si Nate. Liningon ko siya at kasama niya naman yung NAPAKA TAHIMIK na si Alexander. Feeling ko mabaho hininga nito. Hindi nagsasalita eh!

Tumakbo siya papalapit sa akin at inakbayan ako.

"I miss you sammy" Sabay kurot sa pisngi ko. Napatingin naman ang mga kaibigan ko at sabay sabay na nag...

"Uyyyyyy!" mga bugok -_-

"Summer. Boyfriend mo? 3rd week palang may boyfriend kana?" tanong ni Kristoff na mukhang gulat na gulat at tinignan pa simula ulo hanggang paa si Nate.

Tinuro ko si Nate "Eto? Boyfriend ko? Kailan pa bumaba ang standards ko?"

"Ouch! Sammy! Ouch!" nakahawak pa siya sa dibdib habang sinasabi yon. "Isang Nathan Roshe Santos? Tapos mababa pa ang standards mo? Tsk tsk. Kung gaano ka taas ang Mt. Everest ganon din kataas ang standards ko sa pagiging lalaki noh"

"Oo! At ganon din kataas kayabangan mo. hindi ko siya boyfriend. Ewan ko ba dito. Kapit ng kapit sa akin. Kulang nalang itali niya katawan niya sa akin para kahit asaan ako. Andun din siya"

"Hahahahahaha" tawa ng mga loko -_-

Pumasok na kami sa klase namin at ilang minuto ay dumating na yung teacher namin sa history.

Welcome to Hell!!

Magiiba na po category ng story. Magiging horror muna habang history class namin. Hahahaha. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From Me To YouWhere stories live. Discover now