CHAPTER 4

26 0 0
                                    

Nate's Pov


Pinagpatuloy namin ang pamimili ng club. Sumusunod lang ako kung saan si Summer. Grabe tong babaeng to. Lahat sinalihan! Sabagay additional grade din to. Sumala din ako lahat para mabantayan si Summer. Wala trip ko lang.


Ako din kaya magtayo ng club ko? Fans club. For sure madami sasama don.

Dahil sa haba ng pila. Saktong natapos kami at lunch break na.


"Sammy!"


"Sammy'"


"Sammy!" lumapit na ako kay Summer at inakbayan siya.


"Simula ngayon Sammy na tawag ko sayo tapos ikaw tawag mo na sa akin TanTan"


"Ano tayo couple? May tawagan?"


"Bakit gusto mo couple na tayo?" sabay kindat ko kay Sammy. Bigla naman siyang namula. Napaghahalataang may gusto sa akin. Hahaha.


Yinaya ko siya mag mcdo. Tutal pwede lumabas pag lunch break at sa malapit lang naman ang Mcdo. Hindi siya tumanggi. Pogi magyaya sayo. Tatanggi kapa ba?

Dahil sa gentleman ako. Nagsasakyan na kami. Syempre ako mag dradrive. Pogi ng driver noh?


"Sammy ano sayo?"


"Chicken with rice. Wag leg part. Spaghetti. Nuggets. Fries. Sundae. Yun lang!!" Wow? Yun lang? Yun lang talaga? Sa sexy niyang to. Saan napupunta kinakain niya?

Pumunta na ako sa counter at nagsimula magorder. Sinabi ko lahat ng order ni Sammy. Kung ano order niya yun nalang din sa akin.


"Wala ka na pong idadagdag sir?" tanong nung babae sa counter


"Wala na"


"Eh ako sir baka gusto mo idagdag?" sabay kindat at kagat labi nung babae.


"Hindi na. Kuntento na siya sa manok. Ayaw niya sa hipon!" Biglang singit ni Sammy. Bakit napunta to dito? Grabe ah. Di pa kami pero selosa na.


"Ikaw ah. Dapat hinintay mo na ako dun. Di mo sinabi nagseselos ka pala pag may babaeng malapit sa akin"


"Hoy tantan. Nagugutom na ako kaya sinundan kita. Antagal mo eh"


"Yieew tantan daw. Gutom or miss ako? Tara na nga! Ayan na yung order"


"Che!"


Binuhat ko yung order namin at nagpunta sa upuan. Tabi ng bintana ang upuan namin kaya makikita mo yung mga building at ibang establishments. Nagumpisa na kami kumain.


Tinignan ko naman kumain si Summer. Napakatakaw niya. Lagpas lagpas pa kumain. Hays


"Sammy may sauce ka ng spaghetti" lumapit ako sa kanya at pinunasan yung pisngi niya. Tinignan ko yung mukha niya.


Ang ganda niya.... Singkit na mata... Maputi na mukha... Kissable lips.. Mala anghel... Napaka inosente niya tignan.... Ang ganda niya pala lalo na pag malapitan...


"Ehem ehem" bigla naman siyang umubo kaya umupo ako ng maayos. Di ako makakain ng mabuti. Pakiramdam ko sobrang pula ko. >/////<


Pagkatapos namin kumain nagdrive na ako papunta sa school. Pagkababa namin sa sasakyan. May lumapit sa aming babae


"Summer! Buti nakita kita. Sama ka muna sa amin nila Kristoff" Sabi nung babaeng lumapit sa amin.


"Sige wait lang. Tantan Punta lang ako dun"


"Okay Sammy ko. Basta ibabalik mo siya miss ah?"


"Yieee! Oo naman. Sige una na kami" sagot nung babae.


Wala naman akong gagawin kaya nagpunta na ako sa tambayan namin.


"Ui bro! Late ka ata?" si Justine


"May pinuntahan lang"


Umupo na ako sa bakanteng upuan. Tambayan namin tong sa likod na part ng school. Malawak tong school. Isang building para sa elem at pre elem. Isang building para sa high school. 2 buildings para sa college. Tig 5 floors bawat isnag buliding. Gymnasium. Field. Canteen. Office. Garden. Ang laki lang talaga compare sa dati naming school!

Lima kaming magkakaibigan. Ako. Si Alexander Avery Maniego. Justine Rence Asuncion. Light Benitez. Irish Paul Alonzo. At syempre ako pinakapogi!


From Me To YouWhere stories live. Discover now