“Well.” Ed shrugs. “The story went that she lured a number of high-profile people onto a list for some anonymous ‘blue-chip job’ that didn’t exist. Then she tried to offer them up to some less-than-blue-chip client and claim this was the job she’d meant all along. The shit hit the fan, big-time. The senior partner at her firm had to step in, calm things down. That’s why she was fired.” Ed hesitates. “But you knew this, right?”
"Alone?" tinignan ko kung sino yun. Si Pebbles pala.
"Yep." Sagot ko at nagpatuloy sa librong binabasa ko. Andito ako ngayon sa Coffee Shop ng school, umorder ako ng frappe at ng bluberry cheesecake, naiinip kasi akong mag-antay sa next class ko. Malapit lang naman ang bahay namin sa school pero tinatamad na din akong umuwi si Yaya at yung driver lang naman ang nandun samin.
"Maan." Mahinang sabi ni Pebbles. Isinara ko ang librong binabasa ko at hinarap sya. Pakiramdam ko'y may problema sya.
"Oh, bakit?" sarcastic kong tanong habang kumakain ng blueberry cheesecake.
"Wala na kami." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi nya.
"Ha? Bakit?" agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Leon para sabihin ang nangyari.
TO: Leon Sandoval
Leon, come here sa coffee shop. May problema si Pebbles.
Message Sent
"He left me. May iba na sya." At tuluyan na nga syang umiyak. The fudge! Kainis naman yang si Isaac. Lumapit ako sa kanya para yakapin sya at patahanin.
"Sino yung girl?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok nya.
"Si... Si..." humihikbi sya. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak.
"Sino Pebbles? Just tell me." Naiinis ako! Nakakainis si Isaac. Pinagalaruan nya langa ng feelings ni Pebbles para sakanya.
"Ano nangyari?" agad na umupo si Leon sa tabi ni Pebbles at pinapatahan din. Umiiyak pa rin si Pebbles kaya hindi sya sumagot. Tumingin sakin si Leon pero hindi ako nagsalita.
"Maan." sabi nya habang nakatingin pa rin sakin. Nag-sign lang ako ng split pero hindi nya nagets.
"Maan ano ba." Galit na si Leon sa tono ng pananalita nya, ayaw nya kasi ng napaglilihiman sya.
"Wala na sila." Sabi ko ng mahinahon. Hindi ko pwedeng sabayan ang init ng ulo ni Leon.
"Tama na Pebbles." niyayakap at hinahaplos ni Leon si Pebbles. Sa tingin ko parang nasasaktan si Leon para kay Pebbles. Hawak na nito ang mga kamay ni Pebbles at hinahaplos-haplos. Fudge. Habang tinigtignan ko sila feeling ko bagay sila. Maganda si Pebbles, matalino, mabait, nag-momodel din sya ng mga sikat na clothing pero nabaliw lang talaga sya kay Isaac. Haaaay nakoooo, Pebbles Borromoe... ang sawi sa pag-ibig!
Yakap-yakap pa rin sya ni Isaac. Nag-ussap sila, pero silang dalawa rin lang naman ang nagakakaintindihan. Bulong naman na kasi yung ginagawa nila, hindi na normal na usapan. Bumalik nalang ako sa kinauupuan ko at patuloy na nagbasa, wala rin naman kasi akong maitutulong.
ISANG oras na ang nakakalipas pero hindi parin tumatahan si Pebbles. Si Leon, pansin kong nangangawit na pero hindi pa rin nya iniinda. Nagkatinginan kami ni Leon pero agad nyang iniwas ang mata nya sakin. Problema nun? Kainis ha! Tinignan ko wrist watch ko at... Sh!t! 5 minutes late na pala kami.
"Leon, late na tayo." Sabi ko habang inaayos ang gamit ko.
"Absent nalang tayo." utos nya.
"Ayoko nga."
"Eh di pumasok ka. Problema ba yun. Ako na bahala kay Pebbles." Habang patuloy pa rin nyang pinapatahan si Pebbles.
"Sige,alis na ako. Bye!" wala akong narinig na sagot galing sakanya. Ano ba yan! Hindi naman sya naging ganyan sakin, ngayon lang!! Kainis... ano ba kasing problema nya??
YOU ARE READING
When My Last Teardrop Fall-- CHAPTER 6 :)
Teen FictionTorpe sya. Pakipot naman si girl. Good looking pareho-check, mayaman-check, matalino-check. Compatible na compatible sila para sa isa't-isa pero ano nga bang kailangang gawin bago nila marealized na mahal na mahal nila ang isa't-isa... Hahayaan nala...