Chapter 3

6 0 0
                                    

"Kape ka ba?" 

"Ay kabayo ka!" At nahampas ko sya ng mga librong dala ko. Sira ulo kasi itong si Leon, bigla-biglang sumusulpot at magsasalita sa likuran ko. 

"Hehehehe." Nag-peace sign sya at inakbayan ako. 

"Kainis!" tinatanggal ko yung kamay nya sa balikat ko, pero ayaw nya. Eh di 'wag, kainis! Kinikilig ako. HAHAHAHA! 

"Kape ka ba?" Ayan na naman sya. 

"Bakit?" masungit kong sagot. 

"Kasi... Binuhay mo ang natutulog kong puso." 

"Nyehehehe!" Kunyari nandidiri ako pero sa totoo lang sobra akong kinikilig, sana lang totoo. 

"Dyan ka na nga. Baliw!" Tuluyan ko na syang iniwan. Baka kasi mahalata pa nyang gustong-gusto ko yung ginagawa nya, mabuking ... wala na! 

"Oyyyyy! Maan." Hinahabol nya pa rin ako. Alam ko.. nararamdaman ko eh, kaso sobrang dami na ng tao sa corridor kaya hindi nya na ako nakita. 

AGAD naman akong nakapasok ng classroom.. Andun na din si Pebbles at Isaac, nagbabasa ng books. Oo nga pala, two days na lang at Midterm exam na. Ang bilis ng araw!!

Umupo ako at inubob ang ulo ko sa desk. Wala lang.. ayoko pa mag-aral. 

"Maan!" bulong nya, obviously kilala ko kung sino yung mokong na yun.. Si Leon! Iniangat ko ang ulo ko kaso tumama ito sa isang matigas na bagay... Joke!... sa muka pala ni Leon. 

"Ouch!!!!" habang hinaplos ang ulo kong tumama sa muka nya. 

"Ouch din!!!" natawa na lang ako sa sinabi nya. 

"Masakit ba?" sabay  naming tanong sa isa't-isa.

"Hindi." sabay ulit naming sagot. 

"Aheemm. Aheemm. Pasintabi lang po may nagbabasa." Pang-aasar ni Pebbles. Nagkatinginan lang kami ni Leon at tumawa ng mahina. Nakakatuwang isipin dahil hanggang ngayon, ganito pa rin kami kakulit sa isa't-isa. 

Bukas na ang exam namin at wala pa rin akong inaaral ni isa sa mga subjects ko..  kahit major wala! Betlog pa rin ang laman ng utak ko. Hindi 'to pwede, alangan naman na sumabak ako sa gyera ng walang dala. Psh. Ayoko. Isang exam lang ako bukas kaya kayang-kaya ko mag-cramming pero matatambakan naman ako sa next two days ng exam dahil panay ito major. Bubuklatin ko na ang libro ko sa Management ng biglang nag-ring ang phone ko. 

CALLING.... Leon Sandoval

Inend call ko. Ayoko munang may umistorbo sa pag-aaral ko. After exam na lang Leon, wag ngayon. 

TO: Leon Sandoval

After exam ka na lang mangulit Leon. Hahaha! Busy-busihan muna ako. :)) LOL! 

Message Sent

Hindi ko na inantay ang reply nya at inoff ko na agad ang phone ko. Sa mga ganitong pagkakataon hindi ko muna sya kakailangan tsaka nalang pagnatapos ako sa gyerang 'to. Ayoko kasi magkaroon failing grades, wala kasi akong sapat na dahilan para magkaroon nyan dahil sobra-sobra ang ginagawang alalay nila Lola sakin pagdating sa pag-aaral ko. Kahit andito ako sa Manila at nasa Cavite sila lagi nila akong inalalayan at binigyan ng pangaral. Wala na kasi si Mommy, she died when we were 6. Car accident. Si Daddy, surgeon sya sa Guam  kasama nya si Ate. Ayokong sumunod dahil hindi ko naman gustong umalis dito. Mas pipiliin ko nalang na manatiling mag-isa dito kaysa ipagpilitan ang sarili ko na manatili sa lugar na hindi ko naman kinagisnan. 

LAST day na ng exam ngayon. Sa wakas! Grabe, sobrang napiga ang utak ko sa mga exams kahapon. Sobrang hirap... yung tipong nag-aral ka naman pero ni isa sa mga pinag-aralan mo eh, walang lumabas! Kainis! 

When My Last Teardrop Fall-- CHAPTER 6 :)Where stories live. Discover now