Chapter 1

10 0 0
                                    

“Exactly! So we have to get it now, before he realizes where it is and locks it away again. There’s no 

one around. All the staff have got out of the way. We can go through the house.” -Twenties Girl

"Maan bangon na! Andito na tayo." habang inaalog-alog ako ni Pebbles.

"Baguio?" I said habang kinukusot ang mata ko. 

"Yep!" At binuksan nya na ang pintuan ng van na sinasakyan namin. 

Andito kami ngayon sa Baguio para sa isang annual covention ng mga Business Ad students, halos lahat ng participants galing sa iba't iba at malalayong lugar. Yung iba galing Zambales, Pampanga, Pangasinan at kung saan-saan pang parte ng Luzon. 

Kasama ko dito sila Pebbles, Leon at iba naming kaklase. 

"Hoy! Di ka pa ba bababa?" tanong ni Ab habang umupo sa tabi ko. Umiling lang ako bilang pagsagot.

"Akin na nga yan." Inagaw nya yung librong hawak hawak ko. Ang libro na kagabi ko pa binabasa. 

"Tara na kasi Maan. Tinatamad ka na naman dyan e." Sabay kuha ng mga bag ko at akmang bababa na sa van.

"Mamaya na." Sabi ko at binalik ko ulit ang tingin sa may labas. 

"MAAN SAN JUAN!" 

"Fine! Fine!" Sa inis ko inirapan ko sya at bumaba na lang sa van. Ganyan sila Leon sakin alam kasi nila na hindi ako susunod sa kanila hangga't hindi nila binabanggit ang buo kong pangalan. 

Dire-diretso lang akong naglakad hanggang makarating sa hotel room ko. Hindi ko alam kung sinusundan ba ako ni Leon o hindi pero naiinis ako sa kanya! Hindi naman nya kasi ako kailangan pagtaasan ng boses eh. Kainis talaga! 

"You'll stay here with Pebbles."

"Ay kabayo!" Kung bakit ba naman kasi bigla-biglang may magsasalita sa likuran ko. 

"Hahaha! Nagulat ka na naman!" Nakangiti sya habang nilalapag ang gamit ko sa kamang naka-assign sa akin.

"Tse! Umalis ka na. Shoo! Shoo!" Tinulak ko na sya palabas ng kwarto. 

Haaaay. 3 days and 2 nights na naman ang convention na ito. Nahiga lang ako sa kama, chineck ang phone ko at ayun, walang text kahit isa! Kainis. Wala man lang bang nakaka-alala sakin? 

Teka, asan na ba kasi si Pebbles. Hmm. Baka kasama na naman nun si Isaac. Yung mag-shotang yun talaga. 

Maya-maya ay pinatawag kaming lahat sa lobby ng hotel mag-sstart na daw ang convention in an hour so mag-ayos na daw kami at iready ang sarili. 

Sumunod si Leon sakin pabalik ng kwarto. 

"Sabay na tayong pumunta ng function hall. Antayin kita dito. Dalian mo!"  sabi nya. Okay alam ko utos yun ng mahal na hari! Inutil na lang kasi siguro ang tatanggi sa katulad ni Leon Sandoval. Mayaman, mabait, gwapo, matalino, matangkad, at habulin ng babae! Dyusko! Nung naghulog ang langit ng kagwapuhan malamang may dalang timba ang mikong na 'to. 

Aminado naman ako na high-school palang may crush na ko sa kanya. Transferee sya nun galing sa ibang school ng maging kaklase namin sya ni Pebbles sa P.E. pareho kasing swimming ang kinuha namin, di kalaunan naging kaibigan namin si Leon, mabait kasi sya, maalahanin... kumbaga.... BOYFRIEND MATERIAL. Ako at si Pebbles lang ang nakaka-alam na crush ko si Leon, hanggang ngayon.. kahit na varsity player na sya ng university na pinapasukan namin at madalang nalang namin makasama dahil sa pagiging busy nya pero ayos lang yun dahil hindi pa rin nya kami nakakalimutang tawagan o itext ni Pebbles kapag ka hindi nya kami nasasamahan. Hindi ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin syang girlfiend, apat na taon na namin syang kaibigan pero ni isang babae wala syang binalak na ligawan, minsan pa nga naiisip ko na bading sya pero sa tuwing tinitignan ko sya.. dyusko! natatawa nalang ako sa mga iniisip ko. Minsan.. naiisip ko rin na sana kami na lang ni Leon.. kaso hindi e, hindi kami bagay kasi kumbaga langit at lupa ang pagitan namin. Ako naninirahan lang sa isang simpleng buhay samantalang sya nakahiga sa salapi... 

When My Last Teardrop Fall-- CHAPTER 6 :)Where stories live. Discover now