Isang linggo na mula nung nagpunta si Leon dito sa bahay pero hindi ko pa rin makalimutan yung mga ginawa nya. Sa tuwing naalala ko yun kinikilig ako! Shomay! Ang poging nilalang kasi.. Kainis.
Andito ako ngayon sa kwarto tulala. Tanghali na pero hindi pa rin lumalabas para mag-almusal. Umalis na din si Lola kahapon, babalik na lang daw sya sa araw kung kailan darating si Daddy at Ate Lara. Pagulong-gulong lang sa kama... harap sa kanan... harap sa kaliwa! Kainis! Ano bang nangyayari sakin? Nababaliw na ba ako? Gusto ko mag-food trip. Hmmm.
TO: Pebbles Borromeo ; Leon Sandoval
Tara food trip. :)
Message Sent
After 4637829 years.. di joke lang.. after 5 minutes nagreply si Pebbles.
FROM: Pebbles Borromeo
Where? :)
TO: Pebbles Borromeo
Anywhere. Let's go?
Message Sent
Bakit kaya ang tagal magreply ni Leon ngayon? Busy kaya sya? Ayan tumunog yung phone ko, sana sya na yung nagreply.
FROM: Pebbles Borromeo
Tomorrow nalang Maan. Hehe. Sorry
Kainis! Dapat talaga hindi ko na sya tinitext ko kapag gusto kong lumabas.
Dalawang oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagrereply si Leon, e kung tawagan ko na lang kaya? Sobra naman ata syang busy at pati ang pagrereply hindi nya magawa.
Hindi na ako nakatiis at umalis nalang ako mag-isa sa bahay, kung saan ako pupunta hindi ko rin alam. Shopping? Pwede. Mall? Pwede. Foodtrip? Pwedeng-pwede. Kaya lang wala ang kasama!!!! LONER ME ulit ang peg ko neto pero sige bahala na kaysa naman sa mag-stay ako sa loob ng kwarto ko para maging bato. Isang simpleng short, tshirt, back up at converse ang suot ko.
Pagdating ko sa mall, agad akong nagpunta sa isang ice cream house.
"Dalawang scoop ng vanilla ice cream take out." nakangiti kong sinabi sa counter at iniabot ang bayad.
"Okay Ma'am." Ngumiti sya. Maya-maya pa'y dumating na yung order ko.
"Here's your order Ma'am. Thank you for coming." Kinuha ko yung order ko at umalis.
Habang nag-iistrall ako mag-isa dito sa mall napadaan ako sa National Bookstore. Papasok na ko ng bigla akong harangin nung guard.
"Ma'am pasenya na po, bawal po kasi 'yan sa loob." Oo nga pala, may dala akong ice cream.
"Sige balik na lang po ako." sabi ko kay kuya guard at umalis na, sayang gusto ko pa namang tumingin kung may bago silang libro.
Paubos na ang ice cream na kinakain ko ng mapadaan ako sa Quantum. Pumasok ako sa loob, maingay at gaya parin ng dati maraming tao. Kumaliwa ako para tignan kung may naglalaro ng basketball at swerte ko dahil may dalawang slot na walang naglalaro. Yeheeeeeey! Ayos, makakapaglaro ako. Agad-agad akong pumunta sa counter para bumili ng token. Pagbalik ko may naglalaro na sa may dalawang bakanteng slot! Kainis! Tinitignan ko yung ibang naglalaro ng basketball, pakiramdam ko'y matagal-tagal pa bago sila matapos. Umupo na lamang muna ako sa tabi.
Gusto ko sanang icheck ang phone ko, nagbabakasakaling nagreply si Leon... Kukunin ko na sana ito sa bag ko kaso nakita kung umalis na yung ibang naglalaro ng basketball. Agad akong pumunta sa vacant slot at naglaro. Alam ko hindi ako bihisa sa tunay na larong basketball pero dito sa Quantum lagi akong panalo. Stage 1: 40 balls ang kailangan maipasok sa loob ng 1 minute. Wala akong ibang ginawa kundi ishoot lang ng shoot ang bola sa ring. Wala akong pakialam kung mga lalaki ang kasabayan kong naglalaro, bakit ba, gusto ko rin namang ang laro na to! Stage 1: COMPLETE! Yeheeeey! Stage 2: 120 balls in 1 minute. Nakakangawit sa braso pero pag nalagpasan ko achievement! Yung iba napansin kong nakatingin na sakin, ako naman deadma lang at patuloy pa rin sa pag-sho-shoot ng bola. Ang saya-saya pero nakakapagod. Stage 2: COMPLETE! Yessss! Successs.
YOU ARE READING
When My Last Teardrop Fall-- CHAPTER 6 :)
Dla nastolatkówTorpe sya. Pakipot naman si girl. Good looking pareho-check, mayaman-check, matalino-check. Compatible na compatible sila para sa isa't-isa pero ano nga bang kailangang gawin bago nila marealized na mahal na mahal nila ang isa't-isa... Hahayaan nala...