I fall down

337 4 4
                                    

[Chels Part]

     3:00  am na . Ang bilis naman nang oras parang kanina lang eh 7:00 . Kailangan ko nang umuwi. Baka mapagalitan nanaman ako mamaya sa classroom kasi late nanaman ako. PEUWWW!!! Nakakapagod naman magtrabaho.

    Linis dito linis doon hindi ba marunong maglinis mga tao dito puro basura. Ang baho baho pa ng CR pamatay ang amoy!!. Hindi ko maexpress ang amoy sa sobrang baho.

   Pero kailangan kong tiisin ito para sa kinabukasan ko.

    Kakalimutan ko muna lahat ng problema ko kailangan kong unahin priority ko. Lalo na si papa na sa kulungan parin. Ang gulo hindi ko na alam gagawin ko. Kung buhay lang sana si mama may karamay ako. Pero heto ako nabubuhay mag-isa.

Ang lungkot isipin na ganito ang sinapit ng buhay ko. Pero alam kong pagkatapos ng unos na ito sa buhay ko ay malalagpasan ko parin itong pagsubok na ito. Magdarasal na lang ako.!

Mag-oout na pala ako tsskk..! wala nanaman akong tulog. Gagawin ko na lang muna yung assignment namin sa Math baka kasi mapagalitan ako dahil walang assignment hay!!...

Nasaan kaya yung Bike ko? Bakit wala dito saan napadpad? Walang hiya naman oh!! No choice nanaman ako maglalakad na lang ako  BRRRR….!!! Ang lamig talaga kapagmadaling araw. Pabago bago pa ng weather .

Habang naglalakad ako naramdaman ko ang patak ng ulan

umuulan na? tae naman .!!!!!  Wala akong payong.

[tumakbo sa pinakamalapit na waiting shed]

BRRRR…!! So cold ang lamig ng tubig ulan daig ko pa ang nagshower ..! pano yan wala akong payong, Pano ako makakauwi niyan. MALAS talaga.  Buti na lang may nasilungan ako. Pero hindi talaga Ordinaryong lamig ang naramdaman ko.. TSSK…

BBBRRRRRR!!!!!

Dahil nga sa wala akong payong na dala hinintay ko na lang na matapos ang ulan. At sa wakas na tapos na din pero mas linamig ako sabay pa ng malamig na ihip ng hangin.. BBBBRR!!.  Tiniis ko na lang tumuloy ako sa paglalakad at dahil sa nanginginig na ako sa sobrang lamig ay naglakad na lang ako ng dahan dahan .

KRING!! KRING!

Ano kaya yun . tumingin ako sa likod ko isang lalaki nakasakay sa bike. Ano naman problema ng isang ito binubusinahan pa ako.

Hindi ko alam kung bakit ako napatigil sa paglalakad. I don’t know I feel like  my nerves  stop from moving tsk..! Very unsual feeling. Hinintay ko yung lalaki hanggang nakarating siya sa tapat ko.

He asked: Miss Bakit basang basa ka ?  Nagpaulan ka po ba?

Ay ! hindi! Hindi! Mukha bang hindi nagpaulan?

    Ito naman tinatanung lang naman po kasi kanina ko pa kayo nakikita sa waiting shed basang basa

Speechless ako ng mga sandaling iyon. Hindi ko namalayan na may nagmamasid pala sakin noong mga sandaling iyon.

Oh! Miss Jacket Oh! Isuot mu muna halatang halata kasi na ginaw na ginaw kana oh!

I grab the jacket at sympre speechless ulit ako. Tinanggap ko na lang yun kasi talagang nilalamig na ako!...   Sige salamat . Nang matapos akong makapagpasalamat bigla na lang siyang nagbike nang mabilis na mabilis.

MR.!!!! Jacket Niyo po naiwan niyo!!!!!!!!!!

Sinigaw ko sa kanya niya na naiwan niya yong jacket niya sakin pero parang wala siyang narinig dire-diretcho pa rin siya sa pagbibike hanggan sa hindi ko na maaaninag.

Sino kaya yung lalaking iyon! Malaking papasasalamat ko sa kanya ! sana kunin niya itong jacket niya sakin para naman sa susunod maitanong ko kung anong pangalan niya at kung taga saan  siya !..

[Key’s Part]

Hay nako!! Nakakahiya talaga yung nangyari kahapon biruin mo ba naman na beat ako ng isang babae  na asal lalaki tskkk!!>.. Isang malaking kahihiyan talaga tsk..!! Lumalaki na atraso sakin ng babaeng yun

Lagot sakin yong Nikks na yun humanda siya sakin mamaya. Kung pinahiya mo ako papahiyain din kita!

…Pero tama ba tong ginagawa ko babawian ko siya?  Di ba dapat hindi ko siya patulan kasi babae siya? Ang gulo!!..  Gusto ko lang naman siyang maging kaclose pero kapag lumalapit ako sa kanya kusilap agad inaabot ko.

Ganun na ba talaga ako kasama sa paningin ni Nikks? . Pero kung minsan naiinis din ako sa kanya masyado naman kasi mga pansusutil niya pero pasalamat parin siya kasi babae siya at ginagalang ko pa rin siya kahit ganun ang mga ginagawa niya sakin.

Makaligo na nga baka malate pa ako sa school.

[Gian Part]

Sa wakas gumana na din itong alarm clock ko at nagising ako ng maaga WEW!! ..Nakakapanibago first time ko ata itong magising nang maaga. Ma-check ko nga itong cellphone ko baka gising na si BFF Taemin ko .

Himala wala pa siyang text. Matextsan nga siya.

Laman ng text ni Gian :

Good Morning! BFF! Haha mas maaga akong nagising sayo ngayon kaya mamaya ako ang magsusundo sayo para may magbago naman at makabawi ako

     I’m so really really happy na hanggang ngayon ay magkaibigan parin kami ni Taemin ang dami na naming pinagdaanan. Para na nga kaming magkapatid. Kahit minsan wala akong narinig sa kanyang reklamo. I’m lucky to be his BEST FRIEND.

Simula pa lang noong bata ako siya na ang tagapagtanggol ko. Kapag may umaapi sakin siya lagi ang nakikipag-away. Na alala ko pa noon , hinahabol kami ng aso binuhat na ako at inakyat sa puno para lang hindi makagat ng ulol na aso.  

Marami akong dapat ipagpasalamat kay taemin napakabait niya talagang kaibigan.

Hayaan tapos na din akong magprepare masundo nga si Taemin ..

Tok ! Tok!..

Ay tulog pa ata siya makapasok nga sa loob…

Aba aba Mr. Cinderella tulog pa . Mahimbing talaga tulog naglalaway pa .! hmm.. Pano ko kaya siya magigising .

May nakita akong feather sa ilalim ng desk ni taemin kinuha ko yun .! para ilagay sa paa niya at para makiliti at magising siya.!.

Noong mga time na iyon eh ilalagay ko na sana sa paa ni taemin ang feather nang bigla siyang nagsalita habang natutulog :

GIANNA! GIANNA! Na san ka?  

Wag mo akong iiwan !

Na shocked ako at ginising ko siya agad !.

Taemin! Taemin! gising! Gising kana nananaginip ka nanaman.!

Huh!  Na nanaginip?

Oo tinatawag mo pa nga pangalan ko eh

Walang masabi si Taemin noon malamang hindi niya alam mga pinagsasabi niya noon sapagkat panaginip iyon.

Oh! Siya tumayo ka na nga dyn tsskk.! Baka malate nanaman tayo sa School bilis! Tayo na Taemin .

Ayaw ko pa inaantok pa ako eh!

Hay nako tamad talaga toh tayo na ..

Dahil sa pagpupumilit ko na si taemin ay tumayo ay bigla kaming nahulog sa kama at siya’t nahulog sa akin!!!!!...

OMG!. Si Taemin ay nakatingin sa mga mata ko.

 Kaya dahil sa natutunaw na ako sa tingin niya pinikit ko na lang mata ko. Nanginginig ang buong katawin ko hindi ko alam ang gagawin .Ngayon lang ako kinutuban ng ganito. Bumibilis ang heart beat ko.  Ngayon ko lang naramdaman ito.

At dahil sa Moment na iyon tinulak ko na lang si taemin at nagsorry ako!... at sinabi ko sa kanya na sige kumain,maligo at magbihis  ka muna para makapasok na tayo.

Hanep na sabi ko pa yun parang wala lang nangyari.

Dali dali akong bumaba at umupo sa sofa. . Nanlamig ako nun at kinabahan . ..

Bitter Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon