Nahulog Pero Mali

90 1 0
                                    


Nag mahal ng taong dapat ay kaibigan ko lamang.
Una'y di maintindihan,
Ngunit unti-unti ay aking nalalaman,
Nalalaman, kasabay ng pag usbong ng isang pakiramdam.

Mahal ko na ata siya,
Hanggang sa mahal ko siya.
Dalawang pangungusap,
Tanggalin ang isang salita at iba na ang paanyaya.

Sinubukan ko namang sugpuin,
Sinubukang wag kang mahalin.
Pero mahal, ang emosyong ito ay di kayang pigilin.
Ikaw ay una, at sana ay huli na.

Ngunit hindi, mali.
Kahit anong gawing kong pagpapapansin,
Ako'y di mo kayang ibigin.
Nagtatanong tuloy, ano bang kulang sa akin?

Mahal kita.
At sana kung di mo kayang suklian kahit ng barya o kahit ng tira-tira.
Sana pigilan mo naman na ako'y masaktan.
Dahil ako? Gagawin ko ang lahat, maging maligaya ka lamang.

Tula Ng Isang NawawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon