Akala ko sa imahinasyon lang kita makikita,
Akala ko di ka totoo at sa akin ka lang.
Ngunit mali.
Maling mang angkin ng isang bagay na di mo pag aari.Nakita kita sa isang mundo.
Paulit ulit ko itong binalikan, makita ka lamang.
Tumawa kasabay ng iyong mga ngiti,
Lumuha kasabay ng iyong pag mamakaawa na ika'y wag niyang iwan.Nagdasal na sana ako ay yong makita,
Mapansin at makilala.
Pinakinggan ko lahat ng iyong hinaing,
Sinamahan sa bawat emosyon.Minahal at nasaktan,
Ngunit di kita maiwanan.
Binalikan ka ng inibig mo at ako ay nanatiling nagmamahal sayo.
Nalungkot ngunit naging masaya para sayo.Ngayong natapos na ang inyong kwento,
Paulit ulit kong babalikan ang pinagdaanan nating kanto.
Kaya sinasabi ko sa inyo,
Huwag na huwag kayong iibig sa isang taong nasa loob lamang ng libro.
