Kailan nga ba,Kailan nga ba masasabing ang pag ibig ay totoo?
Pag ito'y pinapatay ka sa kabog ng puso?
O pag di mo mapigilang isipin ang sinisintang, alam mong di para sa atin?
O mundo'y kay saklap,
Tadhana'y di makausap.
Tunay nga mundo'y kay gulo,
Kay lapit ngunit sadyang kay layo mo.
Ngayon nalaman ang lahat,
Ang pag ibig nga'y talagang kay sarap.
Para tayong araw at buwang di magkatagpo,
Tunay nga, tayo'y pinaglapit ngunit pilit pa ring pinaglalayo.
