Paano Ba Makaahon?

87 1 0
                                    


Paano ba makaahon?

Laging tanong sa akin ng mga taong nagpupumilit mag move on.

Sabi kasi nila, di tulad noon mukhang maligaya na ulit ako ngayon.

Pilit nila kong pinapaamin,

Ng di na makatiis, ibinulong sa hangin ang mga nais aminin.

Minsan ang puso di na nakakaahon.

Hungkag na nalulunod na sa hanggang tuhod na alon.

Tumayo ka,

Piliin mong maging masaya kahit hanggang ngayon nalulunod ka pa.

Dahil kung ang pag ibig ay isang pagpipilian,

Ang manatiling malunod o umahon ma'y isa ring sariling kagustuhan.

Wag mong sabihing wala kang ibang paraan,

Sa simula'y pinili mo yan, ngayon oras na upang iyong tigilan.

Ngunit sana ganoon lang kadali,

Kaya malunod ka muna, namnamin ang sakit.

Namnamin ang pag pasok ng tubig sa iyong baga,

Hanggang sa matanggap mo na,

Di mo kailangan ng iba para maging maligaya.

—Naka Move On Na, Pero Di Pa Nakaka Recover

Tula Ng Isang NawawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon