Chapter 14 - Babe

84 6 5
                                    

"I want to be closer to you."

"I want to be closer to you."

"I want to be closer to you."

"I want to be closer to you."

"I want to be closer to you."

"I want to be closer to you."

"Ahhhhhhh!!!!!!!" sigaw ni mina sa kanyang kwarto pano ba naman kasi ay alas dos na ng madaling araw ay paulit ulit ang sinabi ni chielo sa kanya, at hindi lang yon pati na din si jocel ay hindi rin nakaligtas sa kanyang utak na parang sasabog na.

"Bakit ko sila iniisip nakakatanga na to, buloy kunin mo na kaya ako? " sabi nya sa isang frame na kasama nya si kendra. Kuha ito nung araw na sinagot nya si Kendra. "Ay wag na pala.Baka mabatukan lang kita pag nakita kita." kinausap nya lang ito ng kinausap hanggang sa hilahin na rin sya ng antok.

Samantala, itong si chielo naman ay mulat na mulat din hindi sya makapaniwalang nasabi nya yon ni hindi nya maisip kung bakit asar na asar sya kanina. Paano ba naman kasi sinundo nya si mina ngunit wala ito sa eskwelahan tapos malalaman nyang hindi pala ito pumasok syempre naisipan nyang baka nagmumukmok ito sa puntod ng kanyang kaibigan ngunit bigo syang makita ito duon. pauwi na sana siya ng mamataan nya ang kotse ng kanyang bagong kaibigan na si Jocel ngunit ang mas kinakunot ng noo nya ay nakita nya sa gawing parke si jocel na kasama si mina seryosong naguusap. Walang anu anong pinaandar nya ang sasakyan at umuwi dun sa kanyang mini bar sa bahay sya uminum ng alak habang hinihintay si mina at di nga sya nabigo ilang oras lang at medyo tipsy na sya ay dumating nga ang kotse ni jocel at kanyang sinilip dinig na dinig nya ang pagpapasalamat ni mina at wow may paingat ingat ka pang nalalaman at hindi nagkakamali ng dinig si chielo tinawag ni jocel si mina ng "my lady" malandi ang jocel na yon! bulong niya sa sarili kaya naman iyon ang nagtulak ang nagtulak saknya na mas maging malapit pa sya kay mina.

Naputol ang pagmumuni muni nya ng bigla na lang tumama ang sikat ng araw sa kanyang paa napalingon sya sa bintana umaga na pala. Ni hindi yata sya nakakurap manlang bago magumaga bangag na bangag ang utak nya ngayon. Nagpasya na itong bumaba.

"Iha kumaen ka na ang aga mo yata magising? may lakad ba kayo ni mina?" bati ni manang sasa kay chielo.

"Wala po manang. Napaaga lang ng gising." pagsisinungaling nito. Ang totoo ay hindi pa ito natutulog. Ngunit pagupo nya nkita din nya si mina na parang wala ding tulog. "Mina, aga mo yata?"

"Maaga lang din ngising" oo totoo ngang maagang nagising si mina dahil nakaidlip nga ito ng ilang minuto ngunit hindi nagtagal ay sa panaginip nya naman nagpakita si jocel at chielo.

"Oh sya mukang mga inaantok pa kayo bakit d pa kayo matulog muna ulit" humagikgik pa si manang sasa dahil nkakaramdam ito ng kakaiba sa dalawa.

"Ah babe, pupunta ko kay buloy samahan mo ako" sabat ni chielo habang kumakaen sila.

"Ah sige." sagot naman ni mina na walang kabuhay buhay.

"So payag ka pala." ika ni chielo.

"ha? oo pupunta din naman ako duon e" mina.

"Hindi iyon. Payag ka na palang maging babe ko?" halos lumuwa ang mata ni mina sa pagkasabi ni chielo sa katagang iyon.

"Syempre girlfriend mo ko db!" bigla namang napatakip ng bibig si mina na sya namang ikinangiting tagumpay ni chielo, "i mean nagpapanggap akong gf mo." paglilinaw nito kay chielo.

"Okay :-)" sabay ngiti ng nakakaloko.

Maya maya ay naghanda na ang mga ito sa pagpunta kay kendra nagpahanda si chielo ng mga pagkain sa isang basket isang tela para panlatag sa bermuda grass na nakapalibot sa puntod ng kanyang matalik na kaibigan na si kendra. Di rin nagtagal ay nakarating na sila sa sementeryo. Maaliwas ang lugar na ito mahangin at kada isang nitso ay may puno na syang nagbibigay lilim sa dadalaw dito.

Inilatag na ni chielo ang isang tela na tama lang na maupuan nila ni mina at inilagay dn ang basket sa kanilang tagliran.

"Namimis ko na si Ken." pagsisimula ni Chielo nag paguusapan dahil kanina pa sila hindi nagiimikan.

"Hmm" tugon ni mina.

"Magagalit kaya sya kung tayong dalawa ang magkagustuhan?" sa sinabing yon ni Chielo ay parang umakyat lahat ng dugo nya sa ulo. At ramdam nyang namumula na sya.

"Ano bang sinasbi mo?" pagtataray ni mina dito.

"Bakit? di ba ikaw nagsabi na make you fall for me? o nakalimutan mo na dahil nakasama mo si jj kahapon?" sinalubong naman ni Chielo ang pagtataray ni Mina na dati naman ay tinatawanan niya lang.

"Hindi." sabay iwas ng tingin ni Mina kay chielo.

"Okay,then." Humiga ito at tinapik ang ganyang braso. Nagets naman ni Mina na pinapahiga sya nito sa brasong iyon. Hindi nya ito pinansin. "Please? pagbigyan mo ko ngayon lang hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sayo kaya bka makaidlip ako kung andito ka lang sa tabi ko." para namang naghipnotismo si Mina at sumunod ito. Humiga na din sya sa tela at umunan sa braso ni Chielo. "Salamat"

"Salamat din chielo, sa pagtyaga sa kin alam ko tinutulungan mo ako dahil kay ken, salamat" mina. Napipikit na din sya at parang lasing sa antok.

"Andito ako dahil gusto ko" at dun sabay silang hinila ng antok.

************************************************************

-UNEDITED

--hi chx hahaha.

BULOY (sequel)- Endless Love (lesbian story) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon