Chapter 16 - DATE AGAIN??

86 4 0
                                    

Mina's POV

Pag gising ko kinabukasan ay ginawa ko usually kong ginagawa, ang pumunta sa puntod ni Ken, at ngayon walang pasok pa rin dahil araw ng linggo, kaya mas magtatagal siguro ako don, pero gusto ko ako na muna magisa kaya di na ako nagpaalam kay chielo.

Nang makarating ako sa puntod ni Ken ay naglatag ako ng tela para maupuan.

"Hi, ken! kamusta ka na? Grabe hindi ka na talaga bumangon dyan. nakakaiyamot ka naman! anyways, si Chielo sobrang galing umarte, para lang tulungan akong makamove on sayo, haay.. nadadamay sya sa kagagahan ko, parang gusto ko na lang bawiin." Nabigla ako ng may nagsalita sa harap ko at may dalang bulaklak.

"Sino naman ang babawiin mo? Si Kendra ba?" Sabi ng guapong Jocel.

"Ha? mababawi ko pa ba sya? ang hirap kaya maghukay, haha..." feeling ko may ibig sabihin yung sinabi niyang babawiin ko si Ken.. pero, alam ko naman na hindi sya si ken. haaaaay..

"Oh, pagkatapos mo magjoke nagbubuntong hininga ka dyan ng malalim. Kamusta ka na?" Jocel.

"Okay naman, dadalawin mo ulit yung... yung... hmm ano mo nga yon?" ako.

"Ah, tagapagligtas ko, at.. karibal." hindi ko na naintindihan ung dulo nyang sinabi kasi biglang humina..

"tagapagligtas?" tinaasan ko sya ng kilay ang korni eh.

"Oo, dahil sa kanya ay buhay ako.. dahil sakanya, nagkaron ako ng goal sa buhay, dahil din sa kanya nagkaroon ako ng pagkakataon na makakilala ng bagong tao, s liza, sila chielo, joy, at syempre ang babaeng katabi ko ngayon." kumalabog ang dibdib ko sa pagkakasabi niyang huli. shit. masama to iiwasan ko na nga pala sya.

"Ah ganon ba.." ako.

"Pwede mo ba ko samahan?", nabigla na lang ako sa kanyang paanyaya hindi ko inaasahan, saka bakita ako.

"S-saan naman? Saka bakit ako? si Ate isay ba nasan? Bakit di sya ang ayain mo?" ako.

"Ikaw ang gusto kong makasama eh.." deretcho ang mga matang sabi no Jocel saakin.

"Ha?" ako.

"I mean, wala si Liza, at busy din naman ang mga kaibigan ko sa business nila. Ano? sige na samahan mo na ko." Jocel.

"Ayoko." kase, konting konti na lang feeling ko mahuhulog na ako sayo. Bulong ko saaking isip.

"ang damot mo naman, ililibre kita!!" Parang bata nitong sabi saakin.

"Baka magalit si ate liza, saka, baka hanapin na ako ni chielo." Biglang pumasok sa isip kong di nga pala ko nagpaalam kay chielo.

"E di wag mong ipaalam." nanlaki ang mga mata ko sa katagang sinabi nyang iyon.

"A-ano? Bakit?" ako.

"Look, may gusto lang akong malaman, please, Mina, makipagdate ka sakin ng tatlong bese, hinde kahit dalawa lang, may gusto lang akong malaman, please." nakatunganga lang ako sa kanya habang pinanonood syang nagsasalita. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayaring ito.

"A-ano naman yon? At bakit sa tingin mo ay makikipagdate ako sa partner ng pinsan ko?" ako.

Napabuga sa hangin si Jocel at malalim na huminga bago magsalita, "Alam kong nararamdaman mo rin, sa twing magtatagpo ang mga mata natin, ay maykakaibang namumuo, hindi ko alam pero para bang.." tumitig siya sa akong mata bago magpatuloy sa pagsasalita. "para bang, matagal na kitang hinihintay.. yun ang pakiramdam ko Mina, twing kasama kita kahit hindi tayo nagkakausap, parang nakakaramdam ako ng saya, at palagay ko kailangan kong alamin kung ano to, bago ako mabaliw, please mina, i just wanna know kung ano ba to, kasi twing magkasama kayo ni chielo at isipin kong nauna sya sakin, para bang pinipiga ang puso ko, Hi-hindi kami okay ngayon ni Ate Liza mo, dahil ganito nga ang pakiramdam ko, ayoko syang paasahin pero hindi ko naman kayang sabihin sakanya na parang.." hinawakan nito ang aking kanay kamay na nakapatong sa aking hita "parang.. uhmm parang, nagugustuhan na kita."

Para bang wala akong naintindihan sakanyang sinabi kundi ang nagugustuhan nya ako, kumunot ang noo nya ng matagal na syang nakatitig saakin ngunit wala syang makuhang sagot sakin. "So.. mina? ano payag ka ba?"

Tumingin ako sa puntod ni Ken at pinagkatitigan iyon, ken.. eto naba yung sign kami ba ang dapat? lumipat ka ba sa katauhan niya? kahit ano talagang gawin niya ay nakikita ko ikaw sakanya, eto na siguro ung pagkakataon ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo, muli kong tinignan si Jocel na matamang nakatitig saakin nakakaramdam ko ng mumunting kaligayahan, "Si-sige."

Nagpakurap kurap siya saaking pagpayag, "sige?pumapayag ka na?" nakangiti nitong wika.

"O-oo. Gusto ko rin alamin kung ano nga ba ang nararamdaman mo." sabay ngiti niya, kahit ngayon lang isipin niya ang nararamdaman nya, ang sarili niya.

"Yes!" sabay suntok nito sa ere at pagkatapos niyon ay yumakap ito sakin na ikinabigla ko, naramdaman nya sigurong di ako makagalaw kaya bigla itong bumitaw. "S-sorry, na carried away lang. S-salamat. Ano tara? Let's date?"

"Yeah, let's date." parang kahapon lang may ka date ako ngayon date na naman.

-----------------//-----
AN: wazzup? hahahaha busy kay girlfriend eh. unedited yan. bye. muaps! 😂😂😂

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BULOY (sequel)- Endless Love (lesbian story) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon