CHAPTER 15 - DATE

53 3 0
                                    

"Ano ba, mas magandang angulo dito dali mahal dito naman!" dinig ni chielo na parang bumubulong sa kanyang paligid. *click, click, click!* laking gulat nya ng dumilat sya na magkayakap sila ni mina at ang mga gagong kaibigan ay ayon may hawak na cellphone na halatang kinukuhanan sila ng litrato.

"Anong pinaggagagawa nyong mag lovers!" sigaw ni chielo, nagulantang naman si mina at napatayong bigla ng mapansin nyang nakayakap sya kay chielo.

"Kami lang ba ang maglovers ha pare?" sabat ni Joy na may nakakalokong ngiti.

"Well, as far as i know hindi, alam mo mahal may nakita akong maglovers na magkayakap na matulog sa sementeryo, how sweet nila db mahal?" si shine na nanggagatong pa.

"Mga gago." si chielo. Tumayo si Chielo at tinapik si Mina, "Babe, gising na." Unti unti namang dumilat si Mina na halatang nahihiya ng matanawan sina Joy at Shine.

''Wow at talagang babe ang tawagan! My god, mahal, may hindi yata tayo alam ah!!'' Wika ni shine na nanlalaki pa ang mata.

''Tsk. Patigilin mo nga joy ang asawa mong yan.'' Si chielo.

''HAHAHAHA, arte mo, bakit ba kayo dito dumadayo ng tulog, may picnic paepek pa kayong dalawa'' si Joy.

''ha? Ah eh..'' si mina.

''Wala na kayo don, akina nga yan!'' Sabi ni chielo, sabay hablot ni chielo ng cellphone na ginamit pangpicture ng dalawa kay joy, may ginawa muna ito ng kung ano saka binura. Sabay tingin nito sa sarili nyang cellphone.

''Aba! Buti na lang talaga naka data plan ako ano?'' panunudyo ni Joy kay Chielo. ''Gago, manahimik ka pa. Tara na Mina iwan na natin yang mga yan dyan.''

Nagtatawanan naman si Joy at Shine habang hinihila ni Chielo ang nakayukong si mina.

"Mga gago talaga, okay ka lang ba?" Chielo.

"Ha? Ah 0-oo." Mina.

"Uwi na tayo? Oh may gusto ka pang puntahan?" Chielo.

"Oo, ihatid mo na lang ako sa mall, alas onse na pala, kaya siguradong bukas na yon." Mina.

"Samahan na kita, ano ba bibilin mo?" Chielo, habang pinapaandar nito ang kanyang kotse.

"Wag na ako na, bibili lang ako ng gamit pala bukas sa birthday ni ken." Mina.

"E di dapat talagang kasama ako, saka dun na din tayo kumain parang date na rin." Chielo.

"De-date?" Mina.

"Oo, simula ngayon, nililigawan na kita." Chielo.

"Ha? Eh teka, pumayag na ba ko? Saka di ba dapat nagtatanong ka muna?" Mina.

Inihinto naman ni Chielo ang kanyang sasakyan at iniharap ang sarili kay Mina.

"Hindi ako nagpapaalam, para itanong mo sakin kung pumayag ka na ba. Liligawan kita, that's declaration." Chielo, at agad naman niyang pinaandar na muli ang sasakyan patungo sa isang mall.

Nang makarating sila at agad pinark ni Chielo ang sasakyan.

"Kumain muna tayo, bago tayo mamili." Chielo. Tumango na lamang si Mina dito, dahil parang di sya makapaniwala na si Chielo ay liligawan sya.

"Bakit dito? Parang mahal dito." Mina.

"Okay lang yan, babe. Saka para naman hindi puro kaldareta at chopseuy ang laman ng tyan mo." *wink* chielo.

Agad namang namula si Mina sa ginawang iyon ni Chielo.

"Bwisit." Bulong ng dalaga.

"Ano yon?" Chielo.

"Wala umorder ka na nga lang." Mina.

Nang matapos naman sila kumain ay nagaya manuod ng sine si chielo, tumanggi si Mina ngunit wala din itong nagawa sa kakulitan ni Chielo.

"Ang ganda ng palabas noh? Sobrang laughtrip. Nakita ko tumawa ka eh." Chielo.

"Ewan ko sayo. Mamili na nga lang tayo!" Mina.

"Tamo to, kanina tawa ka ng tawa ngayon naman ngsusungit ka na, san ka kaya pinaglihi ni tita Cora?" Chielo.

"Wala ka na don" mina.

Agad naman dumeretcho nang uwi sila Mina at Chielo sa bahay ulit ng magulang ni Chielo, dahil doon sila namamalagi.

"Ah mina!" Sigaw ni Chielo bago pumasok sa kani kanilang kwarto.

"Hm?" Mina.

"Salamat sa araw na to. I don't know pero, nakaramdam ako ulit ng tunay na kasiyahan sa puso ko, sana ikaw rin. Good night babe." Hindi na hinintay ni Chielo sumagot si Mina at agad na itong pumasok. Nangingiti ngiti pa ito, dahil alam nyang nakapogi points sya sa dalaga, kahit na ba hindi nya talaga alam kung ano ang nararamdaman kay Mina. Basta ang alam nya masaya sya at isa sa mga natutunan nya sa kanyang heartaches noon kay Risse ay ang maging vocal sa nararamdaman pala hindi confusing mahirap na magkaroon ng lack of communication lalo na at desidido syang maging sila ni Mina for real.

Samantala, naiwan namang tulala si Mina sa harap ng kanyang kwarto.

"Oh iha, may problema ba? Nakatitig ka lang sa pinto ng kwarto mo?" Ika nang kanilang kasambahay.

"Ho? Ah wala po sige po goodnight." Agad namang pumasok ang dalaga.

Napailing na lamang si Mina sa kniyang iniisip. Ano ba kinikilig ba sya sa huling mga salita ni Chielo? Nalilito na sya sa kanyang nararamdaman. Tinignan nya ang frame na nakalagay sa table sa gilid ng kama nya.

"Ken, tangina ng kaibigan mo, pinageeksperimentuhan yata ako." Naupo sya at kinuha itong frame. "I miss you."

Hanggang sa nakatulog na ito ng ganung sitwasyon..

*********************
AN: UPDATE DIN PAG MAY TIME HAHAHA. SENSYA NA MAIKSI.
NEXT TIME ULIT. AGAIN, UNEDITED PO ITO.

GOODNIGHT.

BULOY (sequel)- Endless Love (lesbian story) On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon