Chapter 1. Dream.

149 4 1
                                    

Chapter 1. (Dedicated to all the admins of BPSU Files and to the readers as well.)

Umuulan.Napakalaki ng mga butil nito kaya naman dinig na dinig ito sa daanan.Basang basa na ako, nilalamig na din.

Nagpunta ako sa isang pamilyar na bahay para magpatila ng ulan.Laking gulat ko ng lumabas siya.
Nakayuko, at iniabot ang twalyang hawak niya.

"Halika sa loob." wika niya habang nakayuko pa din.

Hindi na ako kumibo at pumasok na lang ako. Umupo ako sa isang tabi, malapit sa kanilang set.Naabutan niya akong nagpapatuyo ng buhok gamit ang twalyang binigay niya.

"Magpalit ka muna ng damit mo." Nahihiyang banggit niya.

Sinubukan kong tignan siya sa mata pero inilihis niya ang kanyang mukha, para bang ayaw niyang magpakita.

Hinubad ko ang basa kong damit sa harap niya, tumalikod siya at umalis.
Bumilis naman ang pagpintig ng puso ko, tila ba sabik na sabik ako sa ganoong pagaasikaso niya.

Hinanap ko siya para makapagpasalamat ulit, nakita ko siya sa may kusina, inihahanda ang mainit na sopas nang biglang umeksena ang aking tiyan.

"Kruggghhh." sabay lunok laway at hawak sa aking tiyan.

Narinig niya ito, nagtinginan kami at sabay ngumiti.Sa wakas, nasilayan kong muli ang mala anghel niyang mukha.

"Tamang tama pala.Halika dito, kumain ka na habang mainit pa." sabi niya habang nakangiti pa din.

Sinaluhan niya ako at tinabihan, nakatitig lang ako sa kanya, nakatulala.Para bang walang nangyari noon.

Hanggang napansin niyang nakatingin ako sa kanya, nagtama ang aming mga mata.Binigyan niya ako ng ngiti, ngiti na parang may mali, ngiti na tila may kasamang hapdi. Damang dama ko iyon.

Hindi ko alam kung bakit awtomatikong gumalaw ang aking mga kamay at hinila siya palapit sa akin.Niyakap ko siya nang mahigpit,naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa aking balikat, dinig na dinig ko rin ang mahina niyang paghagulgol.Dahan dahan kong inialis ang pagkakayakap sa kanya upang tignan siya.

Ayokong nakikita siyang ganito.Pakiramdam koy dala dala ko din lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko, patuloy pa rin ang mahina niyang paghagulgol at pagtangis.

Bigla kong inilapat ang labi ko sa labi niya para tumahan siya.Napakainit nito, tumindig ang aking mga balahibo mula sa paa paakyat na para bang inaangat kami pataas.

Napakabagal,marahan,mabilis ang pagtibok ng puso ko,tila anumang oras ay sasabog na.
Magkahalong kaba at pagkasabik ang aking nadarama.Nagbatuhan ng mga halik, sa labi, sa pisngi,sa tenga at leeg. Napakainit nang sensasyon.Mga haplos na tumatagos sa aking kaluluwa.May mga pagkakataong napapaliyad siya at napapasabunot sa akin dahil sa sarap na nadarama.
Hanggang hindi na mapigilan ang mga pusong sabik, agresibo at hayok na hayok. Tila ba pareho na naming isunuko ang isa't isa at hinayaang puso ang magpasya.

Inihiga ko siya sa lamesa, hinawakan ko ang kanyang mga kamay habang ako'y nasa itaas niya.Hinalikan ko siya sa labi at ginantihan niya ito. Naglalakbay ang aking kamay sa nagliliyab niyang katawan.Ibinaba ko ang aking halik papunta sa leeg, napaungol siya sa sensasyong bumabalot sa amin. Nababaliw na ako, parang bang ayaw ko nang tigilan. Itinaas ko ang kanyang binti gamit ang aking braso habang patuloy ang pagliyab ng mapupusok na halik nang biglang

"Kring! Kriiiiinggggg! Kring! Kriiiingggh!"

Napatayo ako sa gulat, pinatay ko ang alarm, alas otyo na. Tumingin ako sa paligid, ang tahimik.

Sariwang sariwa pa sa aking mga pandama ang panaginip na iyon.
Dumadagundong, sumisigaw ang katotohanang tapos na kami.Wala na.Wala na talaga, tuluyan nang nag sink in sa akin ang lahat.

Pinagsusuntok ko ang unan na buong lakas,sumisigaw ako sa bawat suntok na pinapakawalan ko.
Wala na akong lakas, wala na akong maibigay at tuluyan ng dumaloy ang mga luhang kanina pa nagkukubli sa aking mga mata.

Nais kong matulog ulit, nais kong ituloy ang naudlot. Mabuti pa sa panaginip, nagmamahalan pa din kami.

Inihawi ko ang aking buhok at inayos ang aking damit.Kinausap ko ang repleksyong nasa salamin.

Hey you! Ronnie Alcantara Montero. Dont you think its time for you to move on? Its been 2 years for God sake. The world will keep spinning without her so move on. You can do this bro, you can do this. I can do this." Pagkakalma ko sa aking sarili.

May mga umagang gigising ka na, miss na miss mo siya. Yung boses niya, yung ngiti niya, yung tawa niya, yung mga mata niya pati nga utot niya namimiss mo.Hinahanap mo yung taong minsang naging iyo pero wala na ngayon.Pinaglandi ng panahon pero hindi nakatadhana.

Oo masakit.But I think it is part of the process of moving on. Seize the pain until you get used to it. Kailangan natin maramdaman ang sakit upang unti unti nating maintindihan at matanggap ang realidad.---HINDI KA NA NIYA MAHAL.

A/N.
This was actually posted on BPSU Files. May mga nadagdag at nabawas lang, gaya ng mga suggestions nila para mapaganda. I just want to say thank you kay Admin Light and Ethan for your kind words and support.
And just want to say Hi sa mga readers, early as now I want to say thank you. Yun lang, Enjoy...
PS. Sorry pala sa mga nasaktan ko dito, ganun talaga. Pero kaya yan.

Shattered Heart.Where stories live. Discover now