Chapter 17 - she's back

802 19 7
                                    

Third person's POV

Malapit na si Cass sa university. Tatawagan na sana niya si Tiffany, bestfriend niya, ng makatanggap siya ng text mula rito.

'Meet me at the park. I'm with Rob!'

Nagmadali siyang maglakad. Patakbong lakad ang ginawa niya. Gusto niya agad na makita si Rob kasi gusto niya itong batukan. May halong inis at pag-aalala ang nararamdaman niya. Pero mas lamang pa rin ang inis kasi sabik na sabik na siyang batukan si Rob.

Nang makapasok na siya sa univ. may natanaw siyang dalawang lalaki na animo'y nag-aaway dahil panay ang hampasan nila sa isa't isa.

Napatigil siya sa paglalakad dahil madadaanan niya ang dalawang lalaki. Sa isip-isip niya 'pipigilan ko ba? O dadaan na lang ako? E baka madamay ako? Sa iba nalang ako dadaan.'

Uurong na sana siya nang bigla niyang maalala na ito ang pinakamalapit na daan. Sa isip-isip rin niya ngayon pa ba siya aatras? Ang subukan ngang paganahin ang robot na hindi niya alam kung mananakit o hindi ay hindi niya inurungan o inatrasan. Ito pa kaya?

Napakapit siya ng mahigpit sa strap ng bag niya.

Napakagat labi siya. Pumikit siya at huminga ng malalim at nagsimula ng maglakad. Isama mo na rin ang dasal niya sa Diyos na maging maayos siya.

"Taena ka! Buwisit ka! Mandaraya ka!" Sigaw ng isang lalaki at dinuru-duro pa ang kaharap na lalaki.

Natakot si Cass na naging dahilan ng pagtigil niya sa paglalakad. Sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin at pagpatay sindi ng ilaw sa poste.

Tinindigan siya ng balahibo.

Parang ito yung mga eksenang nakikita mo sa pelikula. Yung eksenang bigla mo maririnig na para bang umeeko at bumabagal ang boses nila. Yung makikita mo ang hinaharap at bigla mo makikitang may mamamatay sa kanila. Pero syempre hindi iyon mangyayari dahil ito ang totoong mangyayari.

"Hindi ako mandaraya! Ulitin natin kung gusto mo!" Paghahamon naman ng isang lalaki.

"Puwesto!" Sigaw na sagot ng isa.

Kinabahan si Cass ng pumuwesto ang dalawang lalaki na parang magkakarate.

Napapikit si Cass nang makita niyang aatake na ang isa.

"Pak! Pak! Pak!..."

Tumayo ang balahibo niya sa takot ngunit nawala rin iyon agad ng marinig niya ang kasunod.

"Ganern, ganern!"

Ang takot ay napalitan ng gulat sabayan mo na ng pagkunot ng noo niya. 'What?' Sabi niya sa isip-isip niya.

'Pak! Pak! Pak! Ganern! Ganern?'.

Napamulat ng mata si Cass. Makikitang may halong pagtataka at gulat ang mukha ni Cass.

"Pak! Pak! Pak! Ganern! Ganern!"

Napakurap ng mga mata si Cass. Habang nag gaganern ay kumekembot ang dalawang lalaki. Napailing-iling si Cass at tinitigan ulit ang dalawang lalaki.

Sa isip-isip niya 'Tae! Akala ko kung ano!'

"Huh!" Sigaw niya at napatawa siya ng mahina. She was worried for nothing. 'Shit! Akala ko talaga kung ano talaga iyon.' Napalingon si Cass. Baka kasi may wow mali o kung sino na ng gu-good time sa kanya. At mukhang wala naman.

Napalingon siya ng sumigaw ang lalaki.

"Hoy! Nagkamali ka! Halika rito!" Sigaw nung lalaki sa kasama. Aakma na sana siyang babatukan niya ang isang lalaki nang makita niya ang galit na mukha ng babae na si Cass.

"Tae kayo! Halikayo rito! Paghahampasin ko kayo! Takte kayo! Tinakot niyo ako!"

Hahampasin na sana niya yung isa nang magtatatakbo ito palayo.

"Dun kayo sa labas maglaro niyan! Akala ko nag-aaway kayo!"

"Tse! Inggit ka lang!" At nagbelat pa ang isang lalaki.

Sa inis niya ay kumuha siya ng bato at ibinato niya kahit alam niyang hindi naman ito tatama sa kanila. Wala naman siyang intensyon na makatama ng bato o makapanakit. Inis lang talaga siya.

"Buwisit!" Sigaw ni Cass.

Kung alam lang nila kung gaano kinabahan at natakot si Cass, tiyak na maiintindihan nila si Cass.

Tiffany's POV

"What's taking you so long, Cass?!" I hissed.

Napatingin ako ng masama sa robot.

Ang bigat ng robot na ito! Parang nakadagan sa akin e samantalang nakasandal lang ito sa akin. Gaaaawd!!!

"Wala akong choice kung hindi ang iwanan este ang hintayin si Cass." Napabuntong hininga ako.

"Ano ba kasi problema niyan?" Napatalon ako sa gulat.

Napalingon ako at nakitang nakasandal ang lalaki sa poste ng ilaw habang nakahalukipkip. Ah! Yung nakapulang sando pala.

"E ikaw? Bakit ka pa nandito?!" Pagsusungit ko sa lalaki.

"E kasi... basta gusto ko malaman kung magiging okay pa ba siya ay este kung okay na siya. Diba alam mo naman na naging malapit na kami sa  isa't isa? You know... close na din kami."

Tang-shit nito! Close?! E kakakilala niyo lang?!

"Shut up and go HOME!" Sigaw ko sa gagsty na lalaki na yun.

Sabay taas siya ng dalawang kamay.

"Okay, fine! Suko na ako! Bye... LOVES" sabay kindat nito bago tumalikod.

"LOVES, LOVES! LOVASS KA NA! Buwisit!"

Nag-iinit na nga ang ulo ko sa bigat ni Rob dagdag pa itong hunghang na ito.

Sa peripheral vision ko alam ko na may nakatayo pa rin malapit sa amin. Handa na sana akong singhalan ang lalaking nakapulang sando kaya lang pagkakita ko...

"Cass?" Lumapit nang bahagya ang babae.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "Julie?"

-------------------------------------------------------

May part 2 pa. :) comment naman o? Para ganahan haha si julie kilala nyo ba? :)

My Lover is a Robot #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon