Chapter 18- k-kiss?

850 23 20
                                    

Third person's POV

"What was that?" Tanong ni Cass.

"Exactly! Iyan din ang tanong ko." Sagot ni Tiff.

Napatingin si Cass kay Tiff.

"Alam mo ganyan din ako kanina e. Nagtataka ako bakit ako ingles ng ingles. Yun pala dahil sa babaeng yun. A-aray!" Nahampas tuloy siya ni Cass.

"Ikaw talaga, Tiff. Hay nako! Hayaan nalang natin iyon. Ang importante magising natin ito. Hindi natin to kakayanin buhatin." Sabay tingin ni Cass kay Rob.

"Huy! Gising, Rob!" Panggigising ni Cass. Sabay tapik sa mukha ni Rob.

"Hindi ganyan ang paggising, Cass. Ganito!" Sabay kuha niya sa mga libro niyang dala at pinaghahahampas sa mukha ni Rob.

Nagulat si Cass pero agad ding nakabawi at pinigilan si Tiff. "Anong ginagawa mo?" Saway ni Cass

"Ginigising siya." Sabay nguso kay Rob.

"Marahas ka naman masyado manggising."

"Ano? May iba ka bang paraan para magising si Rob? Hindi naman yan masasaktan si Rob kaya wag ka mag-alala. Remember robot siya?" Nagulat si Cass sa sinabi ni Tiff kaya nasunggaban niya tuloy ito at tinakpan ang bibig gamit ang mga kamay niya.

"Anong iniisip mo?! Pano kung may makarinig?" Pabulong na may kasamang panggigigil na sabi ni Cass.

Napatingin si Tiffany sa paligid. "Wala namang tao kundi tayo lang."

Pinakawalan na ni Cass si Tiffany. "Mag-ingat tayo baka mamaya nandiyan lang sa tabi-tabi si Julie."

Tumango si Tiffany. Panandaliang nabalot sila ng katahimikan.

At sa katahimikan na iyon naalala ni Cass ang high tech na relo ni Rob na si Techy.

"Makakatulong iyon." Bulong ni Cass.

Lumapit at umupo siya sa tabi ni Rob at pinindot ang maliit na button sa relo ni Rob. Pagkatapos ay dumilat at lumiwanag ang mga mata ni Rob at lumaki ang screen ng relo niya.

Cass' POV

Nagulat ako nang biglang dumilat at lumiwanag ang mga mata ni Rob. Tatakpan ko pa sana kaya lang nawala din naman agad ang liwanag at napapikit siya muli.

"Rob 001."

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako sa kung ano ang sagot ni Techy. Naalala ko kasi ang intense heat. Kung paano ko napagana si Rob. Ugh! Yung intense heat talaga e! Doon ako kinakabahan. 'Shake it off, Cass.'

"Okay! Techy, Rob is not working. What should we do?"

"Anong we? Tae ka! Ikaw lang." sagot ni Tiff.

Tinignan ko ng masama si Tiff. Itinaas ni Tiff ang kamay niya, ngumiti at nagpeace sign.

"Sorry. Oo na WE kung WE."

"Calculating..."

Pinagpapawisan ako ng malamig. Kumusta na ba? Kinakabahan ako sa ipapagawa at kung ano na ba lagay ni Rob.

Napatingin ako kay Rob. Mukhang napagod siya kahit na wala kang pawis na makikita. Mukha talaga siyang tao. Walang sino man ang mag-aakala na robot itong si Rob.

Napadako ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako. Napaiwas ako ng tingin. Paano kung halik nanaman ang kailangan?

"Battery is running low. You know what he needs, Cass."

What? Kiss nga? Just like the first time I saw him?

"What?"

"He needs an intense heat."

"Sun? Pero kailangan mapagana na siya ngayon. Di namin siya kayang bitbitin."

"Teka! Kunin ko muna car ko, Cass! Wait!"

"Tiff!" Sigaw ko pero hindi siya lumingon. Anak ng tipaklong naman!

"No. Sun can't help this time. It can help only if he's not drained."

I reluctantly asked "k-kiss?"

"Yes!"

Nagulat ako ng biglang mag-alarm ang relo ni Rob.

"Wang, wang, wang, wang..."

"Ano nangyayari, Techy?!" Natataranta kong tanong.

Hindi ko alam kung ano hahawakan ko braso ba o balikat ni Rob para gisingin na siya.

"The battery is almost empty. You need to give him an intense heat now."

May mga narining akong sumigaw ng sunog. Hala! Baka akalain nila sunog ito. Ang lakas naman kasi ng alarm na ito.

"How can I stop the alarm, Techy?!"

Pinindot ko ng pinindot ang nag-iisang button sa relo ni Rob pero wala pa rin.

"It won't stop. That's the sign that the battery is almost empty. Rob will shut off any minute now."

Ha? Shut off? Natigilan ako sa ginagawa ko. Hindi ko na siya makikitang gising? Hindi ko na siya makakausap? Hindi ko na siya makikitang ngumiti?

No. No!

Walang pag-aalinlangan kong ipinikit ang mga mata ko at hinalikan si Rob. I kissed him torridly the way I kissed him before.

The alarm subsided. Pakonti-konti nawala ang tunog ng alarm. Napadilat ako ako sa gulat nang bigla siyang gumanti ng halik. Natigilan ako at dahan-dahan siyang lumayo sa akin.

"Hi, future girlfriend!" Sabi niya nang nakangiti.

Napaluha ako akala ko talaga hindi ko na siya makikitang ngumiti. Hindi ko na siya makikitang gising. At lalong-lalo hindi ko na maririnig ang salitang future girlfriend. Nakakamiss. Namiss ko siya!

Napayakap ako sa kanya. Natataranta niyang tinignan ang relo niya.

"What's happening?!" Natataranta niyang tanong.

"Nothing." Lumayo ako ng kaunti para matitigan siya. I felt relieved and secured.

Pinunasan niya ang mga luha na umagos sa pisngi ko.

"I love you, future girlfriend." Sabi niya sabay halik sa labi ko.

-------------------------------------------------------
Hello, ladygangsta07 ! :) hindi ko alam kung paano magdedicate gamit ang cellphone hehe. Kaya mention na lang muna. :) thanks sa pagbabasa mo. :)

My Lover is a Robot #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon