PHOTO: Danna Paola (as Katrin) >>>
________________________________
CHAPTER ONE
Naiinis na umiling si Katrin at kinagat ang pang-ibabang labi. It was already six years ago yet, that moment continued to set her heart on fire.
Of course, you will never forget that, she thought, it was your first kiss!
Tumingin siya sa bintana para mapagmasdan ang tanawin sa labas ng sasakyang minamaneho ng kanyang kapatid na college student na ngayon- si Albert.
"Para ka na namang nababaliw d'yan, Ate," tukso nito habang tinitignan siya sa head mirror.
Katrin glared at him. "At ano na naman iyon, Albert?"
"Ngingiti-ngiti ka kanina," tawa nito, "then you looked bitter. Then, lately, parang nainis ka. Ano ba ang iniisip mo?"
Her eyes widened. Kahit nagmamaneho'y kanina pa pala siya nao-obserbahan ng kapatid niya na nakaupo lang sa tabi nito.
"W-Wala," sagot niya pagkuwan, "may naalala lang ako. Pabalik na naman kasi tayo dito sa probinsya."
"Naaalala mo siguro yung crush mo nung high school 'no? Si ano nga ba yun, si-"
"Shut up!" natatawang interrupt niya rito. Noon kasi ay may crush siya kay Chris, her high school classmate. That was before she met Tristan. At iyon lang din ang kilala ni Albert na naging crush niya.
Umuwi lang sa dati niya'ng bayan si Katrin dahil siya ang napiling guest speaker sa gaganaping graduation sa Hermana Pelez National High School, ang mataas na paaralan kung saan siya nagtapos ng high school.
Swerte ng paaralang iyon dahil napapayag nila si Katrin kahit na hectic ang schedule niya as a famous, international novel writer. Moreover, doon niya kasi unang nakilala si Tristan Honore, ang lalaking itinuturing niya na first love.
Ayaw na niyang balik-balikan pa ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Tristan. Masakit lang para sa kanya isipin pa iyon. Tanggap na naman kasi talaga niya na mangyayari rin iyon, pero 'di niya talaga maiwasang masaktan pag naaalala iyon.
"Leave me alone, Katrin!" galit na sigaw sa kanya ni Tristan.
Katrin remained frozen on her position. Ayaw niya'ng nagagalit si Tristan. Ewan pero natatakot siya pag nagagalit ito.
Napalunok ang dilag bago niya nakuha'ng sabihin na, "Hindi mo na ba ako mahal, Tristan?"
Napipigilan pa niya ang sariling luha habang hinihintay ang sagot nito. Kasalukuyang umuulan noon at nasa tapat sila ng gate ng bahay ng binata.
"Hindi na," anito matapos ang mahabang katahimikan. "Ayoko na, Katrin. Umuwi ka na. Basang-basa ka na at baka magkasakit ka pa."
Hindi na niya namalayan na humahalo na sa tubig ulan ang kanyang luha.
"Salamat sa lahat," sabi niya bilang pamamaalam, "salamat at minahal mo ako, Tristan. Kahit minsan lang... "
Hindi niya talaga alam kung ano ang eksakto'ng dahilan ng pag-iwas sa kanya ni Tristan nung nakaraang mga araw bago iyon nangyari. Hindi na rin kasi siya nito tine-text o tinatawagan man lang kaya pinuntahan na niya ito sa bahay nito. Kung hindi pa umulan ay hindi pa siya lalabasin ni Tristan para kausapin.
Wala nang maisip na iba pa'ng dahilan si Katrin kung bakit ayaw na ni Tristan sa kanya kundi hindi na talaga siya ang mahal nito. Posible rin naman na may iba na ito'ng minamahal.
BINABASA MO ANG
I Love To Be With You (COMPLETE)
RomanceI love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.