CHAPTER TWENTY-TWO
"Maraming salamat po ulit," nakangiti na pasasalamat ni Katrin sa mag-asawa na nagpatuloy sa kanila sa kubo ng mga ito.
"Pasensya na kayo at kailangan niyo pang matulog sa tabi ng mga bata," sabi ng babae na tantiya nila ay nasa kwarenta anyos na at patpatin. "Nakakahiya naman kasi kung sa amin kayo tatabi ni Pedro."
Ang Pedro na tinutukoy nito ay ang kaniyang asawa na nasa kwarenta na rin ang edad. Mas matangkad ito ng kaunti sa asawa na si Ines at may sa patpatin na rin.
"Wala yun," sagot ni Katrin saka nilingon ang silid ng mga anak ng mag-asawa. Medyo maluwag pa naman iyon at magkakasya pa sila ni Tristan doon.
"Kaya lang baka magulat ang mga bata pag nakita kami," tila dignified na wika ni Tristan. Animong walang anumang kalokohan sa kukote. Naka-polo na lang ito na long-sleeved dahil iniwan na nito sa sasakyan ang jacket ng three-piece suit niya.
"Naku, kami na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Sige at magpahinga na kayo, malalim na ang gabi," sagot sa kanya ni Pedro.
"Sige ho. Salamat."
Pinagmasdan muna nila ang mag-asawa na magkaakbay na pumasok sa silid nila. Nagbulungan pa sila at nagkurutan sa tagiliran. Awtomatiko namang tiningala ni Katrin si Tristan dahil narinig niya ang mahinang tawa nito. Mabilis naman nitong naramdaman ang titig niya kaya tumingin ito sa kanya ng may ngiti.
"O, bakit?" tanong ni Tristan sa kanya.
"Anong nakakatawa?" kunot-noo niyang tanong.
"Wala naman. Nakakatuwa lang yung mag-asawa," anito saka tumingin ulit sa saradong pintuan na para bang nakikita niya pa rin ang mag-asawa. "Alam ko kung saan patungo ang dalawang yun."
Na-gets ni Katrin na marumi na naman ang iniisip ng lalaki kaya tumalikod na siya at pumasok sa silid ng mga bata. "Tara na nga at matulog na tayo."
Agad na sumunod si Tristan. Umupo si Katrin sa tabi ng isang batang babae na natutulog. Bata pa ito, mga tatlong taong gulang pa lang. Tumabi naman sa kanya si Tristan.
"Hey!" halos pabulong na sabi ni Katrin para wala siyang magising. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"
"Eh 'di tumatabi sayo. Matutulog."
"At bakit ka naman tumatabi sa akin, ha?"
"Eh, matutulog na tayo eh."
"Pag matutulog ba dapat tumatabi ka sa akin?"
Humiga na si Tristan at yumakap sa bewang niya. "Alangan namang sa iba ako tumabi," sabi nito na tila ba may hidden meaning.
Inalis niya ang kamay nito sa bewang niya. "Eh! Umalis ka nga diyan! Dun ka humiga, sa tabi nung bata r'un!"
Napaupo naman si Tristan. "Pinalalayo mo naman ako sayo," tila simangot nito. Pa'no naman kasi pinapupwesto siya ni Katrin sa kabilang dulo ng silid para mapagitnaan nila ang limang magkakapatid na mahimbing na natutulog.
Bago pa makapagsalita ulit si Katrin para paalisin si Tristan ay may narinig silang tawa at mga ungol sa kabilang silid. Malisyosong ngumisi si Tristan. Nagtataka naman na napatingin sa kanya si Katrin nang akbayan siya nito.
"Ang sipag nila, no? Sana ganyan din tayo pag-"
"Ang green-minded mo talaga!" bulong ni Katrin. Kung wala nga lang siyang magigising na mga bata, isisigaw niya iyon kay Tristan. "Lumipat ka na nga! Now!"
Napabuntong-hininga na lang si Tristan. "Sige. Ganyan lang, Katrin. Lagot ka sa'kin pag nag-honeymoon na tayo."
"Ewan ko sayo!" irap sa kanya ni Katrin.
Tumayo na si Tristan at lumipat na sa tabi ng isang batang lalaki. Ito na yata ang pinakamatanda sa magkakapatid. Tantiya niya ay eleven-years-old na ito. sa kabilang dulo naman ng silid na iyon ay nakahiga na si Katrin. Malaya na siyang napapangiti dahil sa kakulitan ni Tristan.
* * *
Kinaumagahan. Nagulat naman si Albert nang may nakita siyang sasakyan na tumigil sa harap ng gate ng bahay nila. Kasalukuyang naka-topless siya, jeans at humihithit ng sigarilyo sa bakuran sa harap ng bahay nila. Kagigising lang niya pero sigarilyo ang inalmusal niya. Nag-aalala na kasi siya para sa ate niya.
Kagabi ay nakausap niya sa cellphone ang mga magulang nila na nasa USA ngayon naninirahan. Kinakamusta ng mga ito si Katrin. Nagdahilan na lang si Albert na maagang natulog si Katrin kaya hindi nila ito makakausap. Nung tanungin naman ng mga ito sa kanya kung bakit hindi nila ma-contact si Katrin, sinabi na lang ni Albert na na-hold-up si Katrin kaya wala itong ginagamit na cellphone ngayon.
Pinapauwi na sila ng mga magulang nila sa USA, pero sinabi niya na saglit pa dahil hindi pa tapos ang business ng ate niya sa Pilipinas. At isa pa, magi-speech pa pala ito sa nalalapit na graduation sa Hermana Pelez National High School bilang isa sa mga guest of honors kaya dapat na makabalik na ang ate niya. Hindi rin makakabalik si Albert sa USA nang hindi kasama si Katrin.
Lumapit si Albert sa gate at inabangan ang pagbaba ng isang babae sa sasakyan. Si Audrey. Sa kabilang pintuan naman ay bumaba ang lalaking hindi pa niya kakilala, pero tantiya niya na kasing-edad lang niya ang lalaking kulay blond ang buhok. Kahit mukhang Pilipino ay bumagay dito ang blond na buhok.
"Anong kailangan ninyo rito?" tanong sa kanila ni Albert.
"Hindi ko kasi ma-contact si Kuya Tristan," usap sa kanya ng isang lalaki na para bang magkakilala na sila. "Gusto sana naming hingiin ang tulong mo, Albert Linares, am I right?"
Tumango si Albert pero hindi pa rin niya pinagbubuksan ng gate ang dalawa.
"Ayaw kasi naming basta na lang iasa sa mga pulis ang pagpapahanap kay Kuya Tristan at sa kapatid mo. Kaya sana maki-cooperate ka sa amin sa paghahanap sa kanila."
Nagkatitigan lang ang dalawang lalaki.
"Uh, Albert. Siya nga pala si Ross, kapatid ni Tristan," singit ni Audrey. Napatingin sa kanya si Albert tapos ay binalik na nito ang mapanuring tingin kay Ross.
"Ngayon niyo na ba siya hahanapin?"
"Oo," sagot ni Ross. Seryosong-seryoso.
Pinagbuksan ni Albert ng gate ang dalawa. "Pumasok na muna kayo. Magbibihis lang ako tapos pwede na nating simulan ang paghahanap."
BINABASA MO ANG
I Love To Be With You (COMPLETE)
RomanceI love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.