CHAPTER TWENTY-FOUR
Tapos na silang kumain ng almusal pero hindi pa rin nagkakausap sina Katrin at Tristan. Nagkakapalitan sila ng tingin pero ang lalaki ang unang umiiwas na ipinagtataka naman ni Katrin. Ipinalagay na lang niya na napagod siguro ito sa pagsisibak ng kahoy.
Tinulungan niya si Aling Ines sa paghuhugas ng mga pinagkainan samantalang si Tristan naman ay seryosong nakikipagkwentuhan kay Mang Pedro ng sarilinan.
Napansin naman ni Aling Ines ang panghahaba ng nguso ng dilag kaya natanong siya nito. "O, bakit ganyan ang mukha mo, hija?"
Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng bintana nang lingunin niya ang babae. "B-Bakit po?"
"Mukha kang Biyernes Santo, ah," aniya saka umupo sa tabi niya.
Tumingin ulit sa labas ng bintana si Katrin, abot-tanaw sina Mang Pedro at Tristan sa ilalim ng madahong kawayanan. Nasundan naman ni Aling Ines ang tingin ni Katrin.
"Ang boyfriend mo ba?"
"Ah-eh... hindi... " Hindi niya malaman kung paano ipapaliwanag ang status nila ngayon ni Tristan.
"Hindi mo siya boyfriend?"
Napailing na lang si Katrin. "Eh, dati po, kami. Tapos naghiwalay. Tapos naging kami ulit, tapos naghiwalay."
Nangunot naman ang noo ni Aling Ines. "Ang gulo niyo palang dalawa. Eh bakit kayo napadpad pala rito? Hindi na naman pala kayo magnobyo. Akala ko pati nagtanan kayo."
"May gusto kasing pumatay sa akin," ani Katrin.
"At bakit kasama mo siya?"
"Siya ang nagligtas sa akin, Aling Ines. Ngayon, kailangan muna namin magtago."
"Sino sa tingin mo ang nagpapapatay sa iyo?"
Nagkibit-balikat si Katrin. "Ewan. Wala naman po akong kaaway na kilala... "
"Hindi kaya yung lalaking kasama mo ang pakay nila?"
"Si Tristan?"
"Oo, hindi kaya?"
"Sabi niya kasi-" napabuntong-hininga na lang si Katrin. Hindi niya alam kung ikukwento pa niya kay Aling Ines ang sinabi sa kanya ni Tristan na siya ang pinapapapatay ng tatay nito.
"Bakit ka naman mukhang malungkot? Homesick ka na ba?" pag-iiba ng topic ni Aling Ines.
"Eh kasi, dinededma ako ng Tristan na 'yan. Hindi ko alam kung anong sapi ang meron yan."
"Baka naman napagod lang sa pagsisibak ng kahoy."
"Eh bakit kayo ni Mang Pedro? Nagkukwentuhan pa nga kayo habang kumakain kanina eh," pagdadahilan ni Katrin. "Tsaka, iniiwasan talaga ako ng lalaking yun. Ewan ko ba doon."
"Baka naman nainis sayo. O may galit kaya? Wala ka bang nagawa sa kanya na ikinagalit niya kanina o kagabi?"
Naalala ni Katrin ang pagsusungit-sungitan niya rito kagabi bago matulog.
"Eh! Aling Ines naman! Hindi siya pwedeng magalit dahil 'di ko siya pinatabi sa akin na matulog no?"
"Kausapin mo mamayang gabi. Siguro naman, malamig na ang ulo niya bago matulog."
* * *
Dahil sa ayaw nilang magsayang pa ng oras, sa daan na sila kumain ng ibinaon nila na mga pagkain. Naunang kumain sina Albert at Audrey, pagkatapos ay pumalit naman si Albert kay Ross sa manibela para ito naman ang makakain.
BINABASA MO ANG
I Love To Be With You (COMPLETE)
RomanceI love to be with you, I want to give you a second chance. Pero ikakasal ka na.