I <3 2 B W/ U - Chapter Nine

3.8K 78 2
                                    

CHAPTER NINE

Umuubo si Tristan habang pumapasok sa loob ng bahay. Pagkaupo niya sa sofa ay tumayo sa harapan niya si Katrin at nakayukong tinitigan siya.

"Bakit ka pa nagkakakakanta diyan sa labas ha? Kung hindi ka makapasok sa bahay, kumatok ka na lang sana. O di kaya initext mo na lang sana si Albert."

Sinadya naman ni Albert na iwanan ang dalawa. "Kukuha lang ako ng tuwalya," paalam niya sa mga ito saka pumunta sa kwarto nito.

"Eh bakit ka nagagalit?" tila naiinis na sagot ni Tristan. Bakit nga naman hindi siya maiinis? Parang napunta lang sa wala ang mga efforts niya na magkabisado ng guitar chords sa loob ng isang araw at isabay sa trabaho niya ang pagmememorya nun. Pati ang pagporma niya at pagkanta sa ulan na hindi naman niya inaasahan pero pinagpatuloy pa rin niya ang panghaharana dahil the show must go on nga 'ika nila.

Pagkatapos, susungitan lang siya nito? Parang hindi naman yata tama.

"Sino'ng hindi magagalit sa'yo? Para kang timang diyan sa labas! Ang lakas-lakas pa ng ulan kanina! Kung hindi pa dudungaw ng bintana si Albert hindi pa namin malalaman na nagkakakakanta ka diyan sa ulan! Hindi ka naman palaka!"

Tinitigan niya ng matalim si Katrin. Naiinis, pero nagtataka kung bakit hindi galit ang nakikita niya sa mga mata nito na tila naluluha pa nga yata.

"Ang lakas pa ng loob mo na magpaulan-ulan. Paano 'pag nagkasakit ka?"

Napailing si Tristan. Nage-gets na niya ngayon kung bakit sinesermunan siya ng dilag. Nangingiti pa tuloy siya.

"Tapos ngingiti-ngiti ka pa diyan?" singhal niya. "Nakuha mo pang matuwa sa lagay na yan!"

Ngayon lang naniwala si Tristan na mahal ka ng isang tao kapag pinagagalitan ka nito. Lingid naman kay Katrin ang iniisip ng lalaki. Lumingon-lingon pa ito sa paligid.

"Aba't nasaan na si Albert? Ang tagal-tagal naman nun kumuha ng tuwalya!" Tumalikod siya saka sinundan ang kapatid.

Nang tuluyang ma-out of sight na si Katrin ay may nabuong plano sa isip ni Tristan. Dali-dali siyang pumunta ng kusina at kumuha ng dalawang butil ng bawang. Bumalik din siya agad sa sofa. Ilalagay niya sana iyon sa kili-kili niya pero nabitawan niya ang mga bawang nang bigla siyang mapaubo ng malakas.

Mahilo-hilo na nananakit pa ang ulo niya nang mapahiga siya sa sofa at tuluyang mawalan ng malay.

*                       *                            *

Akala niya ay namatay na si Tristan. Natatawa naman sa kanya si Albert dahil sa exaggerated niyang konklusyon nang makita nilang nakahilata na sa sofa ang lalaki.

Dinala nila siya sa kwarto ni Albert. Doon na rin nila iyon binihisan at nilagyan ng hot compress sa noo. At dahil nakatulog na naman si Katrin, siya na lang ang nagbantay dito. Natulog naman si Albert sa kwarto niya.

Nakatulog na rin siya sa gilid ng paanan ng kama na hinihigaan ni Tristan habang nakaupo sa monoblock. (Parang nasa ospital lang haha^^ )

Kinaumagahan. Nagising si Tristan nang maubo siya ng malakas. Yun bang parang lalabas na ang baga niya sa kakaubo. Nang mahabol niya ang hininga ay sinapo niya ang namimigat na ulo at saka lumingon-lingon sa paligid.

Hanggang sa mapansin niya si Katrin na natutulog sa paanan niya. Tulog-mantika talaga. Wala man lang kagalaw-galaw.

Napangiti siya.

Sabi na nga ba, isip niya saka sinubukang gumalaw.

"Diyan ka muna," wika ng lalaki sa pinto. Si Albert.

"Ano ba, Albert?" nakangiti niyang tugon dito. "Ayos lang ako."

"May lagnat ka."

Sinalat niya ang sariling noo. "Sinat lang ito. Gagaling din ako."

"May itatanong din ako sa'yo, Tristan."

Tinitigan niya ang kapatid ni Katrin. Mukhang seryoso na seryoso ang mukha nito.

"Mukhang seryoso ang itatanong mo sa akin ah," ngisi niya.

Pero hindi man lang ngumiti o ngumisi si Albert. Umupo ito sa gilid ng kama.

"Talagang seryoso."

"Tungkol saan ba?" aniya habang inaayos niya ang sarili at dumederetso ng upo.

"Sa iyo," seryoso na pati ang tono ng boses nito.

"Sa akin?"

"Kahit kailan hindi ko sineryoso ang pagiging kapatid ni Ate. Oo, mahal ko siya bilang kapatid pero ako yung tipo na lagi siyang pinatatawa, inaasar, binibiro, inaaway...

Pero kagabi... kagabi ko lang nalaman na ayaw ko na nasasaktan siya."

Nangunot ang noo niya. Hindi niya masyadong maunawaan ang mga sinasabi ni Albert at kung ano ang kinalaman nun sa kanya.

"Kita mo naman, Tristan. May concern sayo ang ate ko. Pero tama rin siya eh. Hindi pa kita lubusang kilala. Hindi ko alam kung bakit kita pinagkatiwalaan kaagad. Siguro na-excite lang din ako kasi ngayon ko lang nalaman na may ex-boyfriend ang ate ko."

"Diretsuhin mo na nga lang ako, Albert. Alam ko na detalyado tayong mga lalaki pag nag-uusap, pero pwede bang diretsahin mo na ako? Ano ba talaga ang itatanong mo sa akin?"

"Marami, Tristan," tila naging pabulong na lang ang boses nito. "Sino ka ba talaga, Tristan? Bakit matapos mo hiwalayan ang ate ko ay bumabalik ka ngayon sa kanya? Bakit mo rin siya iniwanan noon?"

Mapait na ngiti ang isinukli niya kay Albert dahil sa pagbibigay nito ng ganoong klaseng mga katanungan sa kanya. Parang binuhusan ng asido ang mga sugat noon na papasarado at papagaling na sana.

"Gusto mo talaga malaman lahat ng iyan, Albert?"

"Kaya ko nga tinatanong sa iyo, hindi ba?"

Matiim niyang tinitigan sa mata si Albert. "Una sa lahat, hindi ako ang nang-iwan. Hindi ako ang nakipaghiwalay sa ate mo. Siya ang unang sumuko. Siya ang nakipaghiwalay. Siya ang nang-iwan."

I Love To Be With You (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon