Engkanto

2.1K 43 2
                                    

Isang araw ay pumunta ako sa bahay na binabantayan ni papa na pag mamay-ari nang isang German. Dun na palaging natutulog si papa kasi hindi niya pwedeng iwan baka kasi may magnanakaw.  Baka kasi nakawin yung mga gamit na naiwan. Napakalaki pala nang bahay na ito may atik na may dalawang kwarto kaso di pa natatapos, may dalawang kwarto na malapit sa sala at isang kwarto naman sa may underground. Di pala ito natapos kasi nandun ang mag pamilya sa germany kasi may sakit yung german.

Napagisipan ko pumunta muna ako sa kwarto na katabi sa master bed room. Kasali nga pala sa isang choire si papa sa simbahan kaya marami siyang copy ng mga iba't ibang kanta. Nang makakita ako nang lyrics ng isang kanta napagdesisyonan ko kantahin iyon, umalingaw ngaw yung tinig ko kasi nga sa laki ng bahay.
Mga ilang sigundo lang ay may tumilapon malapit sakin isang takip ng mineral bottle, napahinto ako tiningnan ko wala namang tao kaya ipinagpatuloy ko yung pagakakanta ko. At may tumawag sakin "pssst" binalewala ko lang pero maya tinawag na naman ako "psssssttt" yung parang galit na galit. Sabi ko naman sa isip ko bahala ka. Maya maya ay binato na naman ako ng takip ng mineral bottle kaya huminto ako nalang ako. At eksakto namang dumating si papa. At sinabi ko yung nangyari kanina.

Talaga nga daw may nanirahan na dun isang engkanto nung ang kapatid pa lang nang may-ari ang nakatira na may dalawang anak na babae at lalake na sa 5 taong gulang palang ay nilalaro sila ng isang engkantong bata parati ngang nakakarinig yung kapitbahay nila. Nilalaro daw yung baril na laruan na tumutunog . Kaya mula noon hindi na ako nag-iingay kapag pumupunta ako roon at kasama ko na yung kapatid ko.

KAKATAKUTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon