CLEANERS

1.6K 33 2
                                    

Every lunch time nasa room lang ako namamalagi kasama ko yung babaeng kaklase ko na mga officers rin. Hindi kasi ako pinapauwi ni mama pag lunch time kasi malayo pa yung bahay namin at baka rin daw masagasaan ako sa may kalsada kaya pinapabaonan na lang ako nang pagkain ni mama at ginusto ko lang din yun dahil naaliw naman ako sa skwelahan. Ako ang palaging inaatasan nang aming adviser na si Ma'am Ramos sa paglilinis at masunurin din naman ako.hehe

Lunch time nun nang naiwan ako sa classroom namin kasama ang iba kong kaklase. Habang naglilinis ako sa may CR di naman gaanong madumi kasi tiles nga, napakalakas ng hangin pero humina din naman ito nang ilang minuto. Kaya nang matapos kong maglinis ay agad na rin akong umupo sa aking upoan at nakipag kwentuhan sa kanila. Tawanan kami ng tawanan dahil sa kahit anong pinagsasabi ni Mona.

Togsshh!

Nanlaki ang aming mga mata at nagtitinginan sa isa't isa dahil sa nangyari. Takot na takot kaming pumunta sa pintuan ng CR , habang kami papalapit agad na naman tong bumukas at padabog na sumara ni wala nga namang tao sa luob. Agad kaming nagtakbuhan at nagsiksikan sa main door ng aming classroom hindi kasi makalabas dahil kinando sa labas baka kasi raw pumasok yung iba at magdudumi lang sa classroom, kaya sigaw kami nang sigaw na tinatawag si Ma'am kaso wala siya sa labas kasi nandun siya sa principal's office na malayo naman sa classroom namin. Kaya wala kaming nagawa naghintay nalang kami na dumating si Ma'am

KAKATAKUTANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon