CHAPTER 4

31 0 1
                                    

Finding Rigor


EUNICE AGATHA YTURALDE

Nakaka-inis. Hanggang ngayon di pa tumatawag ang doctor na iyon. Tss. Samantalang nung nakaraan eh kung maki-usap sa akin parang matter of life and death, at ngayon? Ngayon na limang araw ng nakakalipas ay wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kanya. Tsk mali ata ang nagging desisyon ko ah. Mukang hindi ako hahabulin nun.

"Here's our food."Tiningnan ko ang ibinabang tray ni Dane. I saw 2 venti frapped with two slice of cake. Where here somewhere in BGC and yes natuloy na ang pagkikita namin ni Dane. Ang napakagaling kong kaibigan.

"Thanks."naiusal ko ng iabot niya sa akin yun frapped. 'Hmmmm. Java Chip my all-time fave.' Hindi pa din pala niya yon nakakalimutan.

"What's bothering you? Kanina ka pa bumubuntong hininga diyan?" Naka kunot noong tanong niya. Kanina pa ba ko napapabuntong hininga? Bakit di ko yon namamalayan. Tsk.

"Nothing. It's all about work. Don't mind me. Anyway, tell me what happened to you for the past 6 years?" Mas mabuti pang magchikahan na lang muna kami. Nang mawala saglit sa isip ko ang bagay na yon. Nakaka-stress!

"Hmmm naikuwento ko din naman sayo yon twing nagkaka-skype tayo e. Nothing new. By the way I've got something very important to tell you...." She smiled widely. What's going on?

"What is it Dane?" Nakaka curious kasi eh. Yun mga ganyang pag ngisi niya may ibig sabihin talaga.

"I've seen Rigor last week. I accidentally bumped him at the bar where we used to hang out and guess what? Mas lalo siyang gumwapo." Rigor Dela Merced. My night in shining armor way back in college, My almost lover. Damn! Kamusta na kaya siya?

"Dane, where is he working? I want to see him." Dire-diretso kong sabi. God I really missed him.

"Hmmm...If I'm not mistaken, he's working with Jan Alexander Demetria." Demetria? Jan Alexander? Kapatid ni Topher Lincoln? He must be.

"Kilala mo ba siya? Ang napaka-gwapo at oozing hot na si Jan Alexander. I would trade all of my jewelries and imported make up just to be with him for a day." Tss. Hanggang ngayon maharot ka pa din Danielle Suarez.

"Whatever Dane. Gusto kong Makita ulit si Rigor. Please help me." Pakiusap ko sa kanya.

Alam kong Malaki ang kasalanan na nagawa ko sa kanya. Umalis ako ng bansa na hindi nagpaalam sa kanya. Right after the graduation ay lumipad na ko papuntang U.S

"Hmmmm, today is Friday right?"Napatango naman ako. "Then let's go to Valkyrie."

"I'm not in a mood to party Dane." Nakakapagod ang uminom at magsasayaw. Isa pa, I'm over that. Oo aminado ako habang nag-aaral ako sa new York noon talagang weekly kaming magpunta ng bar at night clubs.

"Do you want to see Rigor diba? He's at Valkyrie every Friday! Kasama niya pa Si Jan Alexander Demetria." She looks stupid while giggling.

"Fine!" I surrendered. This should be worth it.

***VALKYRIE

Jeez. Di na talaga ako komportable sa mga maiingay at magugulong lugar. Kung di ko lang talaga gustong Makita at makausap si Rigor hindi na ako mag-aabla pa na pumunta dito. Umorder si Dane ng Jack Daniel's Honey, Hanggang ngayon malakas pa din uminom ito. Naalala ko ng minsan siyang bumisita sa akin sa New York. Nag bar hopping din kami nun at lahat ng mga kaibigan ko na mataas ang alcohol tolerance ay napabagsak niya. Ibang klase. Dahil wala ako sa mood uminom Chandon Brute na lang ini-order ko, white wine lang yun kaya tamang hagod lang.

BRAIN and HEART CHAOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon