CHAPTER 5

21 0 1
                                    

EUNICE AGATHA YTURALDE

"Okay, Dr. Demetria. It's a deal." Huling sabi ko bago ko ibaba ang tawag.

Sa wakas tinawagan na rin ako ni Topher Lincoln at pumayag siya sa alok ko sa kanya. Ang kapalit ay magtatrabaho ko bilang fellow sa kanilang Hospital for six months. After that sabay kaming pupunta ng New York.

Mukhang nahirapan siya sap ag-iisip dahil inabot pa ito ng dalawang linggo. Mabuti na lang talaga at mukhang naayon sa'kin ang mga nangyayari.

Nagsimula na akong mag-asikaso. Inihanda ko na ang susotin ko papunta ng Hospital. Today's will be my first duty technically. Pero dahil ang ipapalabas nila na nag unang araw ko sa ospital ay noong inoperahan ko ang kaibigan ni Jax.

'Arrggghh! Damn! Nakakinis!'

Naalala ko na naman ang huling pagkikita naming ni Jax. Ramdam kong namula ang aking pisngi. Napapikit ako ng mariin ng magflashback na naman sa isip ko ang nangyari dalawang linggo na ang nakararaan.

FLASHBACK

Bigla akong napatigil sa pag-iyak ng marinig ko ang magandang boses ni Jax.

Napakalamig. Ang sarap pakinggan. Parang bigla kumalma ang buong pagkatao ko na kani-kanina lamang ay nayanig ng dahil kay Rigor.

Hinawi niya ang magulong buhok ko at ini-ipit sa tainga. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko habang kumakanta.

'Para akong nakuryente!'

Ang tagal niya kong tinitigan ng matapos ang pagkanta niya. Marahan niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha hanggang sa.........

*TSUP!*

'Did he just kiss me?'

dO_Ob

'My First Kiss!!!!!'

Hindi ako makagalaw nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang nanlalaki sa gulat ang aking mga mata. Parang hinalukay ang bituka ko sa di mawaring dahilan.

Mas lalo akong di makakilos ng bigla niya ulit akong sinunggaban ng halik habang hawak ang aking magkabilang pisngi. Nakapikit siya habang sinimulan niya ang ihagod ang kanyang labi sa ibaba kong labi. Nang maramdaman ko ang kakaibang sensyasyon ay dahan-dahan akong napapikit. Nanatili lang akong nakanganga dahil sa gulat at sensasyon na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganong posisyon. Pero nang maramdaman kong humiwalay na ang labi niya sa akin ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at nakita ko ang namumungay niyang mata at mapupulang labi.

'Damn! Anong ginagawa mo Eunice!' Sita sakin ng aking konsensya,

Malakas ko siyang itinulak at tumakbo papunta sa kung saan naka-park ang sasakyang dala ko.

*END OF FLASHBACK*

'Haay! Di ko maintindihan bakit imbis na magalit ako sa ginawa niya nung gabing iyon ay parang nagustuhan ko pa.'

Iiling-iling akong naglakad papasok sa banya at mabilis na nagshower. Nang matapos ako s pag-aayos ay agad akong bumaba. Naabutan ko pa si Euan na nag-aagahan sa Dining.

"Good Morning!" masiglang bati ko. Ibinaba naman niya Newspaper na binabasa at tsaka ngumiti habang ngumunguya.

"Good morning twin. Kain na." sabi niya pa tsaka humigop isang tea cup.

Umupo ako sa harapan niya. Kumuha ako ng toasted bread, hotdog and bacon.Nilagyan naman niya ng mainit na tubig ang chocolate powder na nasa tasa sa gilid ko. Alam ni Euan na hindi ako mahilig sa kape at ang tanging kape lang na ini-inom ko ay ang Frappucino.

BRAIN and HEART CHAOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon