Upang masundan ang bawat yapak niya sa tuwing naglalakad siya nang tulog, nakaisip ng solusyon ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paanan, pinahidan nila ito ng itim na pinturang paniguradong mag-iiwan ng matingkad na marka.
Kinaumagahan, nagising nalang siya sa kanyang higaan. Tila walang nangyari--hindi siya naglakad habang tulog. Maniniwala na sana siya sa naisip niya, kung 'di lang sana siya tumingala sa kisame.
Matingkad pa sa dilim ang mga bakas ng paa sa kisame ng kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Iisang Papel
General Fictionmga dagli na nakapalibot sa mga tanong gaya ng: sino ako? bakit tayo nabubuhay? totoo bang may diyos? anong meron pagkatapos mamatay? baliw na ba ako? gaano kalalim ang kayang hukayin na libingan ng tao bago niya maintindihan na walang...