Isang time traveler ang bumisita sa nakaraan, noong panahon pa ng mga Kastila. Dahil matagal na siyang interesado sa panahon na ito, marami siyang inuwing mga souvenir.
Isang araw, isang ilustrado ang natapilok sa isang malubak na kalsada. Wala pa rin talagang pinagbago sa Pilipinas simula noong nilisan niya ito.
May makintab na kung anong humuli sa kanyang paningin.
Pinulot niya ang barya at nakita ang nakaukit rito.
Ang ulo niya.
©lilyresh
#ManilaEncounters
BINABASA MO ANG
Iisang Papel
General Fictionmga dagli na nakapalibot sa mga tanong gaya ng: sino ako? bakit tayo nabubuhay? totoo bang may diyos? anong meron pagkatapos mamatay? baliw na ba ako? gaano kalalim ang kayang hukayin na libingan ng tao bago niya maintindihan na walang...