Chapter 2
"ELLE."
Tumigil ako sa pagtugtog ng drums nang marinig ang tawag ni Ex. Napansin ko ang pagpasok niya sa loob ng studio kanina ngunit nagkunwari akong walang nakita. Ngayon naman ay nagkukunwari akong walang naririnig.
"Elle, please." Nagsusumamo ang boses niya na tila laging umaawit. Ngunit tinatagan ko ang pagkapit sa puso kong pagdating sa kanya ay sobrang bilis magpatawad.
Ibinaba ko ang drumsticks at hinablot ang lapis na kapit ni Ei. Iniipit ko iyon sa akong mga labi bago sinikop ang hanggang balikat kong buhok. Ginamit kong pangtali ng buhok ang lapis at muling binalingan ang drumsticks. Napatigil ako sa akmang pagkuha ng mga iyon nang maalala na galit ako sa nagbigay noon.
Narinig ko ang buntong-hininga ni Ex kaysa sa marahang pagtipa ni Yu sa keyboard at mahinang pagkanta ni Zee.
"Is it too late now to say sorry?"
Halata ang pang-iinis ng aking pinsan sa awit. Ang linyang iyon lamang ang malinaw sa kinakanta nito at ang ibang parte ng kanta ay hina-hum lang.
Sabay ang paglipad ng masamang tingin namin ni Ex sa kanila Yu at Zee. Kasunod noon ang paglipad ng blank music sheets sa dalawa. Sa bilis ay walang may katibayan na si Ex ba ang nagbato ngunit alam kong hindi ako at imposibleng si Ei.
"What the heck, man? Nagri-rehearse kami ng payapa tapos may ganito?" Reklamo ni Yu na nagdadampot ng mga papel.
Ni hindi lumilingon na binigyan lang ni Ex ng dirty finger ang huli. Sa akin na muli nakatutok ang nagpapaawang mga mata niya.
No, I will not be flown by those tantalizing set of eyes.
"Sorry." Kumikinang ang mga mata niya na tila naluluha at nakanguso ang mga labi na tila naiiyak. And I don't know how I can find that puppy-dog face so attractively cute and adorable! I must be really crazy.
"Sorry? Seriously, Ex. That's all you can say after ditching the girl on her birthday? You promised, man." Halong pabiro at seryosong sabi ni Yu. Tumitipa parin ng walang partikular na kanta ang mga daliri nito.
"Something came up! And you know that if that's not important, hindi ako aalis, Elle." Sabi ni Ex na sa akin parin nakatingin. Pinasadahan pa niya ng mga daliri ang buhok na tila hindi na alam ang gagawin sa akin.
"More important than her, though." Pasimple ang sabi ni Ei na para bang hindi siya nagsalita. Nakatingin parin ito sa papel sa harap nito.
Ex let out an exasperated sigh. Ginulo niya ang buhok at isa-isang binigyan ng nagbabantang tingin ang tatlong kasama namin. Nanatili naman akong nakatitig sa drumsticks na tila walang naririnig. Sa huli ay hindi ko rin napigilan magsalita.
"Why am I not surprise. Everything's more important than me, after all." Pinilit kong magtunog kaswal ang aking boses. Na tila hindi apektado. Na parang hindi ako nagmukmok buong araw.
He ruined everything! I know I'm being childish but so what? I'm entitled to.
"You know that's not true, Elle. Nothing's more important than you." Matigas ang pagbigkas niya ng bawat salita. Na tila ba nais niyang ipatatak iyon sa aking kukote.
I gave up and looked up on him. Sa seryosong tingin sa mga mata niya na ilang beses na 'kong napaniwala. At naloko. Ngayon, alam ko na. Hindi na iyan dapat tumalab. Hindi na dapat.
"Really? Bakit kahit kailan hindi ko naramdaman iyan?" Mariin na naglapat ang mga labi ko sa pagsisisi na lumabas ang mga katagang iyon galing sa aking bibig.
Shit, Lynneth Carla! That was so, so stupid!
Narinig ko ang pagtikhim ni Zee at matalim na tingin ko naman ang natamo nito.
"Maybe because you're too blinded by your anger. Because when you're mad, when you already made up your mind, you no longer listen to any reason."
He didn't shout. Sinabi niya iyon sa mababang boses, habang matiim na nakatingin sa aking mga mata. Ngunit tila apoy ang bawat mga salita na nagsindi sa panibagong galit na umahon sa aking dibdib.
How dare him say that. After all these days. Bakit ngayon pa niya piniling magsalita ng ganyan. Ibig sabihin ba, kung nakinig ako, magiging maayos pa?
Sa tingin ko hindi. Dahil... hindi rin ako maniniwala. Siguro nga, tama siya.
Napansin ko ang pag-angat ng ulo ni Ei sa gilid ng aking mga mata. Maging ang pagtigil ng pagtipa ng keyboard at gitara. Maging sila mismo ay hindi inaasahan na sasabihin iyon ni Ex.
"We're talking about your promise here. Not some petty, ridiculous... past."
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni Ex. And I wonder how he can do that. He should be an actor instead of a band member.
"How many times do I have to tell you—"
"You promised! And I won't take any reason unless its a matter of life and death—"
"It is!" Mataas ang boses niya at nagtitimpi na lang na hindi umalis sa harap ko.
Nagulat ako ngunit hindi nagpakita ng anumang emosyon.
"What, Ex? Who—what happened?" Nakakunot ang noo ni Yu habang isinasaboses ang tahimik kong tanong.
"Ree almost took her life."
Hindi ko na napigilan ang pagpikit. Ree's his recent ex-girlfriend.
"She cut her wrist. And then her parents beg me to stay until she's okay. Kaya hindi ako nakapunta agad sa'yo para magpaliwanag. Or to say sorry. Hindi ako aalis, Elle. Kung hindi dahil doon. I'll abide by my promises to you kahit ano pang masakripisyo. Pero kasi Elle, her life's at stake that time."
Hindi nanunumbat ang tono niya. Puno iyon ng desperasyon at pagmamakaawa na maintindihan ko.
Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan. Napatungo ako at nanliit. Heto ako at awang-awa sa aking sarili dahil umalis siya sa kaarawan ko. Habang nasa bingit ng kamatayan ang isang tao.
Ree is a nice girl. Sweet, even. At hindi ko naisip na maaari nitong magawa ang ganoong bagay.
Muli akong nag-angat ng tingin sa pagod na ekspresyon ni Ex. Kahit anong galit ko, hindi ko parin mapigilan ang sarili na humanga sa itsura niya. Kahit anumang ekspresyon, I still find him beyond perfect. Maybe because that's it. He's so perfect that it'll suck all goodness in you. He's like a bright flame that everybody wants to claim. Sa sobrang kagustuhan mo na angkinin siya, sa huli ikaw din iyong masusunog. Cause flames cannot be owned, it consume.
He's way too much. And too much is always bad. He's no good for anybody. Mostly, he's no good for me.××
BINABASA MO ANG
AS#2: Lost And Found (Completed)
Fiksi UmumHe was once hers. She exactly know how to be his girl, how it feels to be loved by him, to receive those seering stares, melting smiles and warm hugs, being cared by him... and being cheated by him. Then she was his friend. Nasaksihan niya kung paan...