Chapter Two [Moron 3]

17 0 0
                                    

"Felt so right,

Just couldn't be wrong

Love at first sight

If that exists at all..."

-Cody Simpson, Pretty Brown Eyes

Chapter 2 [Moron 3]

     We drived for hours hanggang sa makarating kami sa isang exclusive village sa Tagaytay. Mga alas siyete na ata kami nakarating. Kanina nga nagtaka ako kung bakit alas kwatro pa lamang ng hapon ay umalis na kami ng bahay eh may liwanag pa at kadalasan sa mga party na inaatenan nila mommy and daddy ay sa gabi. 

     Pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate na nakabukas and the car moved around a beautiful fountain. Ang laki naman ng bahay na to. Though magkasing laki lang sila ng bahay namin pero dahil sa mga sasakyan na nasa labas at mga bisita ay nagmukhang mas malaki ang bahay.

     Nagstop ang sasakyan sa harapan ng malaking pintuan at kami ay lumabas na. Ibinigay ni dad ang car key sa isang mama na nakasuot ng gray na polo yun bang parang uniform ng lalaking mga teachers sa public schools at ang mama ay pumasok na sa loob ng kotse. Bigtime ang bahay. Parang hotel lang dahil may lalapit sa iyo na mama pag nagpark ang sasakyan mo sa harap ng malaking pinto.

     Mom took my dad's arm at kami nila Kuya Gab at Gian ay sumunod sa kanila papasok dun sa malaking bahay. My dad and my mom greeted a few people sa foyer at nakipag-usap sa kanila sandali habang kaming tatlo ng mga kapatid ko ay nakatayo lang na parang naaawkward. 

     Pano ba naman lahat ng mga kaedad namin na nasa foyer ay nakatingin sa amin. Yung ibang girls nakasmirk habang nakatingin kay Kuya Gab na para bang pinagnanasaan siya pero di nalang niya pinansin yung mga girls kasi he's busy craning his neck to look for his girlfriend, Ate Hannah. 

     Yung ibang girls naman na mukhang mas bata pa sa aken ay nakatingin naman kay Gian habang tumitili. Anebeyen. Akala ko pa naman ang party na ito ay para lang sa mga formal na tao. Alam ko naman na party ito di lang para sa mga negosyante kundi party na rin ng mga anak ng mga negosyante. 

     Pero....

     Hellooooo... Girls.... Mahiya naman kayo. Formal ang parents niyo tapos kayo tumitili. Bakit ba kasi kayo nan---

     "Hey, Alexa! Kumusta na?" I hear my younger brother say from behind me. I smiled when I saw him talking to Alexa. No wonder why my brother is having a crush on her. She's a really nice girl and she looks really pretty in her baby blue flare dress and light red heels and her hair is pulled up in a bun.

     Nakasmile lang si Alexa at halatang halata na masaya siyang nakita niya si Gian. "Walang pinagbago. Ako pa rin yung Alexang nakausap mo kahapon." At pagkatapos nun ay nagtawanan na sila. Napansin kong wala na sa tabi ni Gian si Kuya Gab. Hala ka! Baka tinangay na nung mga babae na kanina pa nagdudrool sa kanya. Huwag naman sana. Ayokong masaktan si Ate Hannah kasi parang ate ko na rin siya. Sus.... Baka kasama lang ni Kuya si Ate Hannah.

      Nasabi ko na ba na magkapatid si Ate Hannah at Alexa? 

Malabong Storya Ng Paghanga (Blurry Crush Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon