Chapter Three [Nasabi Ko Na]

14 0 0
                                    

"But when I look at you

I know there's nothing to improve

Because you're perfect girl..."

-Hunter Hayes, A Thing About You

Chapter 3 [Nasabi Ko Na]

     Mga ten na ng gabi natapos ang party. Sa totoo lang gustong-gusto ko nang umuwi. Ayoko nang manatili dito lalong-lalo na dahil nalaman kong yung putakteng yun ay si YanYan. 

     Ayoko siyang maging kaibigan. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina bago magstart ang party na excited ulit akong magkaroon ng bagong kaibigan. Akala ko naman kasi yung bagong Villanueva ay babae. Di naman sa ayaw kong makipagkaibigan sa boys. Okay lang naman. Kaya nga lang medyo naiirita ako sa ugali nitong si Jared.

     Maraming lumapit sa kanya pagkatapos ng dinner. Medyo pinawisan na nga siya pagkatapos ng party dahil sa kaeeentertain niya sa mga bisita samantalang itong dalawang kaibigan niya ay ako ang kinakausap. Wala naman kasi silang ibang kakilala dito kaya ako yung nilapitan ng dalawa. Ayaw naman daw nilang kumausap muna kay Jared kasi daw busy pa sa mga bisita. 

     Si Dylan Fords at Bryce Jameson ang dalawang kaibigan ni Jared sa US. Si Dylan ay half-American while Bryce is half-Australian. Natuklasan ko rin na ang Moron Three ay kaedad ko lang pala at papasok sila sa school namin. Akala ko naman bawal ang mga transferees pag nasa kalagitnaan na ng school year. Di ko rin alam kung bakit sila pinayagan.

     Pero atleast may bago akong mga kaibigan sa school. Sana maging classmates ko tong dalawang to.

     ...

     ...

     Ay...

     'Wag nalang pala. Kasi kung magiging kaklase ko tong dalawang to, magiging kaklase ko na rin si Jared kasi nga sa school namin di pinaghihiwalay yung mga transferees sa school namin. Sa iisang class lang sila nilalagay unless four and up ang number of transferees.

     "Teka... Bakit kayong dalawa nandito?" tanong ko habang ino-occupy ang seat ni Jared sa table-for-three na malapit lang sa table ng family namin. Wala naman din kasi akong makausap sa table namin. Ang parents ko kinakausap ang grandparents ni Jared habang si Kuya Gab at si Gian ay nakikipagtawanan with Jared.

     Kumunot ang noo ng dalawang boys dahil sa sinabi ko. Natauhan ako at agad ding binawi ang sinabi ko. "No! That's not what I meant... What I meant was... Bakit kayo sumama kay Jared? I mean... di ba kayo hinahanap ng parents niyo sa US?"

     Nawala ang kunot sa mga noo nila at nagsmile naman si Bryce. "Actually, business partners ang mga parents namin ni Dylan at parents ni Jared. When the three of us were three years old, pinadala kami sa US at dun kami tumira sa bahay ng grandparents ni Jared."

     When Bryce stopped talking, he turned to Dylan to continue the "speech". Ngunit wala sa sarili si Dylan and he's staring at nothing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Malabong Storya Ng Paghanga (Blurry Crush Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon