Chapter 14.

85 0 2
                                        

14

*Tok* *Tok*

“Hija, baba na, kakain na.” Sigaw ni manang sa labas ng kwarto ko.

“Susunod na po.”

Tinignan ko ang oras sa wall clock ko. 8 am. Kanina pa akong 6 am nagising, pero tinatamad akong bumangon.

I groaned in protest. Ayoko pa talagang bumangon. Pero pinilit ko ang sarili ko.

Naligo na ako’t lahat lahat. Walang pasok eh. Yes!

Ilang araw na ang lumipas after nung ‘date-kuno’ namin ni Neo. Ayun nga binugnbog ko ng bongga after. Pero okay naman siya. Tsk! Nabadshot tuloy ako kay Jarred - 3-. Kainis lang eh. Pero ha. Dami kong selos din nung time na yun. > 3< Sa harap ko ba naman lumandi si Jarred at Frances. Parang ilang ulit akong sinaksak!

Sana pinatay nalang nila ako. Hindi yung paulit ulit nila akong pinapatay sa tuwing magkasama sila! ><

Dejk. Edi nasolo na ni Frances si Jarred! AYOKO!

 xoxoxo

“Morning kaps.” Bati sa’kin ni kuya habang ngbabasa ng newspaper.

“Morning.” Sabi ko habang nilalagyan ng gatas ang cereals ko.

“Bibisita pala si Asher mamaya. Nakauwi na kasi siya.”

“Talaga? Yes! Nakauwi na pala siya. Hihihi.”

“Tsss, kung anu ano na naman hiningi mo dun no?”

“Wala ah! Nagsuggest lng naman ako ng pasalubong na maganda eh.”

“Suggest? Talaga lang ha.”

“Oo nga.”

Si Asher ang pinsan namin sa side ni Mommy. He’s my closest cousin, we’re at the same age kaya siguro naging close talaga kami. Kaya nga laking tuwa ko nung sinabi ni kuya na nakauwi na si Asher galing New York. Sosyal nga eh, may pa New York pang alam. Andami ko nanamang pasalubong neto. Mwahaha.

~Kring kring~

Biglang nag.ring ang telepono sa sala. Sino kaya to?

“Ako na kuya.”

“Hello? Gozon residence, who’s this?

“Reese?” Sagot ng sa kabilang linya.

“Ate Millicent?” Nilakasan ko talaga para marinig ni kuya. XP

“Yes dear. Asan pala kuya mo?”

“AH!! SI KUYA?! NAKU ATE!! ANG AGA AGANG NAMBABAE!”

“Hahaha, baliw ka talaga Reese.” Natatawa naman si ate sa kabaliwan ko. Bakit ba? Trip kong asarin si kuya eh.

“Hehe, ate, makisakay ka nalang.” Sabi ko.

“REESE!! ANONG PINAGSASABI MO?!” Sigaw naman ni kuya na nasa dining room parin.

“HALA!! TALAGA ATE?! WAG NAMAN. WAG MONG HIWALAYAN KUYA KO. KAHIT MUKHANG JANITOR FISH YAN MAHAL KA NIYAN.”

Mehehehe!! Malaflash si kuya nang marinig niya ako.

“TEKA?! KANINO MO SIYA IPAGPAPALIT? SA MANLILIGAW MONG MALA KIM BUM?? AH, YAN! MAS MAGANDA PA NGANG MAGHIWALAY KAYO ATE. CONCERNED…”

“Kuya anubey?! Tamo nag-uusap pa kami ni ate eh.”

Mwahaha! Bigla ba namang agawin sa’kin ang telepono.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Nov 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Be His Ideal GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon