Chapter 13.

85 2 3
                                        

13.

“Ang daya mo naman!” Pagrereklamo ni Neo habang nagshushoot ng bola.

Andito kasi kami ngayon sa Quantum at nglalaro ng basketball. May pustahan pa nga kami eh. Ang matatalo manglilibre ng fries at sundae sa Mcdo. Kaya di ako papatalo! Ako dapat ang manalo para walang gastos.

Ai! Oo nga pala. ‘Date’ namin ngayon.Kami lang magkasama kasi ang walangyang kuya ko at si ate Millicent ay ngdate din. Tssss, if I know gusto lng nila masolo ang isa’t isa ><. Kung nagtataka kayo kung bakit mgka-vibes na kami ngayon ni Neo, well, that’s how fate works. Naks!! Akala ko nga rin nung una di kami magkakasundo ng asungot na’to. It turned out the other way naman. I know, got through a rough start, pero today, nag iba ang ihip ng hangin. And I think we’ll be good friends soon.

“Yessss!!! Nanalo ako!!” Sigaw ko naman nung matapos na ang game namin. Nakita ko ang score niya, 345. Hihihi. Yung akin?

350!!!! Whaaaaaaaa!! Sundae and Fries come to meeeeeeeee!!

“Whahahaha! Wala ka pala eh!!” Pagmamalaki ko sa kanya. Hihihi, eh pa’no ba naman kasi, busog na naman mga alaga ko sa tiyan.

“Tsss! Eh pa’no di ka mananalo? Pang BATA yang nilaruan mo.” Sumbat niya naman sa’kin.

“Ahh! Kahit na no! Ako na ang nanalo kaya wag kang BITTER jan!”

“Hindi ako bitter, sadyang madaya ka lng talaga.”

“Ahh! Bahala ka jan. Tara na nga sa mcdo at nghihintay na don ang pagkain ko.” Sabi ko sabay higit sa kanya sa Mcdo. Hihihi. Hindi naman excited no??

-Mcdo-

Ayun! Buti naman may vacant na seat at table.” Sabi ko nung makakita na ako ng mauupuan namin.

“Teka lang naman kasi.” Reklamo niya habang hatak hatak ko siya.

Nakaupo na kami’t lahat lahat pero wala paring tumatayo sa’min para umorder kaya naman tinignan ko siya ng masama. Naramdaman niya naman siguro ang masama kong tingin kaya kumunot ang noo niyang nakatingin sakin.

“Oh bakit?” Tanong niya naman. Napataas naman ang isang kilay ko dun.

“Oh Bakit?” Paggaya ko sa kanya. “Oh bakit di kappa umorder at nagugutom na ako.” Utos ko sa kanya. Feeling like a boss lang eh. Wala akong pakealam. A deal is a deal kahit kakavibes lng namin no.

“So?” Pagtataray naman niya. Ha! Grabe, mas mataray pa sa’kin ang isang to.

“Aray! Ano ba?” Binatukan ko nga.

“Hoy Neo Sebastian Madrigal! Baka nakakalimutan mong ako ang nanalo sa laro natin.” Sumbat ko naman sa kanya. Oh! By the way, Neo Sebastian Madrigal full name ng tukmol na yan. Tsss, ganda no?

“Eh kung di ka naman madaya eh no?” Sagot niya naman sa’kin. Aba’t! Magsasalita pa sana ako nang bigla naman siyang tumayo. Oorder na siguro, salamat  naman.

Habang nghihintay kay Neo, kinuha ko nalang ang phone ko at nglaro ng Zombie Tsunami. Naadik na ako sa game na’to eh. Enjoy na enjoy ako sa paglalaro ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

“Boyfie dito na lang tayo.” Rinig kong usal ng isang babae. Sounds familiar ang boses niya pero pinagkibit balikat ko nalang. Baka ibang tao lang siguro at ngkataon na mgkaboses sila.

“But this place is already full. Wala na tayong muupuan oh.” Sabi naman ng kasama niya. Napatigil naman ako sa paglalaro. This time hindi na ako ngkakamali dahil kilalang kilala ko ang boses na yun.

Operation: Be His Ideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon