4.
Alarice's POV
Nagising ako sa puro puti na silid na aakalain mong langit. Pero naalala ko ang ginawa kong katangahan kanina, andito ako sa school clinic. Hay, pinag-alala mo na naman ang mga tao sa paligid mo Arice. Which is ayoko sa lahat. Ayokong naabala ang ibang tao, dahil alam kong pag wala ako sa paligid nila, puro reklamo lng masasabi nila. Hay.
Pero pa'no ako napadpad dito? Malamang ngtawag sa clinic para sa stretcher. Alangan namang kargahin ako ni Jarred dito no? Asa naman ako. Tsk.
"Gising kna pla."
Nagulat naman ako. Akala ko kasi ako lng tao dito kaya kung makaemote ako.
"J-jarred?"
Akalain mo nga naman oh! Pinagpapantasyahan ko lng sa isip ko si Jarred andito lng pala siya. Tsk tsk. Ang cool niya talaga tignan. Nkasandal siya sa gilid ng pintuan with matching crossed arms. Ayeeeee.
Pe-pero bakit siya andito? W-wag mong sabihing...
"It's not what you think. May bibilhin kasi si Carrie na pagkain para sa'yo. Walang mgbabantay sa'yo dahil umalis na si May. Pinakiusapan niya ako na dito na muna."
A-ah, ha ha ha. Natawa ako sa iniisip ko. So hindi pla siya andito dahil nag-aalala siya. Tsk, asa ka nga naman Alarice.
"Anong oras nba atnandito ka parin? Pwede ka namang umalis. Pwede mo naman di sundin si Carrie at umalis eh, naabala kpa tuloy."
"Hinihintay kasi kita magising. Dahil pag naabutan ka ni Carrie na tulog at walang bantay, siguradong magagalit yun. At kung my mangyaring masama sa'yo kargo de konsensya ko pa."
Wow. It's like a slap of reality.Na malalaman mong kaya kayo magkasama dahil napipilitan lng siya. I smiled bitterly. Heh. Kahit na ganun kami mg-asaran, hindi parin kmi gnun ka close.
"S-sorry ha, kung napipilitan kang samahan ako ngayon. P-pwede kna umalis, tutal gising narin naman ako. Thanks, hihintayin ko nalang si Carrie, pabalik narin naman siguro yun o di kaya ang school nurse."
Ngchange position ako sa pagkakahiga. My back facing him.
"Ge, alis na ako. Sa susunod, kung gusto mong magpakamatay sa gutom, wag mong idamay ang iba. Pinag-aalala mo sila. PInag-alala mo asdfgh. Bye."
Hindi ko narinig kung ano man ang dugtong niya dun. Masyado kasing mahina para marinig. I heard his footsteps walking away. Pagkarinig ko ng pagsara ng pintuan. Nagsimulang dumaloy ang mga luha ko. Kaya ayokong iniintindi ako ng iba eh. Sisisihin ka nila dahil naabala sila. Ang masakit dahil sa taong mahal mo pa mismo galing.
How frustrating. I was used to get what i want. Pero pagdating sa kanya, i can't. He's the only exception. Ganun nga talaga siguro. YOU CAN'T ALWAYS GET WHAT YOU WANT.
Isa pang problema s'kin ay pag di ko nakuha ang gusto ko, halos mamatay ako sa sakit na dulot nito sa kin. Tila ba di kayang tanggapin ng sistema ko. I get anxious about it.
Pagkatapos ng crying session ko umalis na ako dun sa clinic. Hindi ko kasi alam kung anong kaya kong gawin dun eh. Kahit hindi pa dumadating si Carrie umalis na ako. Sasabihan ko nlang na sinundo ako ni kuya
Jarred's POV
I feel like sht nung makita ko siyang umiiyak sa clinic. Katangahan mo Jarred! Bakit kasi ganun lumabas sa bibig mo eh! Alam mo naman na gusto ka ng tao eh.
Oo, alam kong gusto ako ni Alarice. One time kasi nakalimutan niya ang notebook niya sa room, accidentally na sagi ko sa desk niya. Ayun nahulog at tumambad sa'kin ang mga doodles niya at kung ano ano pang nakasulat. Pero pinaka nagulat ako nung makita ko ang "I Like Jarred Mitchel Gonzales". Grabe tuwa ko nun nung malaman kong CRUSH AKO NG CRUSH KO. Pero di ko masabing gusto ko siya dahil alam kong bawal.
BINABASA MO ANG
Operation: Be His Ideal Girl
UmorismoYung feeling na HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO? Ouch lng ha. At mas malala pa, hindi ka pasok bilang IDEAL GIRL niya? TT ^TT