Lumikha ako ng sarili MUNDO
Mula sa hinabing sakit ng REYALIDAD 💔
Hinulma ko doon putik ng pagkabigo
At masusing inukit lahat ng POSIBILIDADIginuhit ko sa langit larawan ng pait
Pagkatapos kulayan nalasahan ang tamis
Sinulat ko sa hangin inani kong galit
Unti-unting napawi bakas ng hinagpisAgad nakawala sa lubid ng bangungot
Na syang gumagapos sa mahiwagang panaginip
Ang dating apoy na nagbibigay takot
Isa palang liwanag na sakin ay sasagipDoon ay tanging ingay lang ng pagtawa
Nakasisilaw na mga ngiti
Walang tahimik na pagluha
Maging pagak na paghikbiNakakakita kahit nakapikit
Naririnig kahit walang tinig
Ginhawa ng matinding hagupit
Kapayapaan sa bawat pagyanigSa mundong ako ang may akda
Walang IKAW sa istorya
AKO naman ang bida
At ito ay aking obra