Myka's POV
Nasan na kaya yun :/
Tumingin ako sa paligid ngunit di ko maaninag kahit anino ng bes ko
Dumaan na kong canteen,
Pati na din sa library.
Wala sa field
Wala din sa pool
Wala din sa covered court,
Wala sa gym.
Wala sa garden
Wala sa parking lot
Wala din sa chapel
Ay! Di pala makakapasok ng chapel yun. Demonyita yun eh. Hahaha charr ako pala yun.Saan ko naman kaya hahanapin yun hayst!
Maglalakad lakad nalang ako hanggang san mapadpad ng paa- - - - - - - - - - - - - - -
By the way, I'm Myka allaine Hermosa (May-ka Ey-leyn Her-mo-sa) 1st year college student. Studying BSTourism Management
Bespren ko na si nica mula.. um? Wait isipin ko lang. Nakalimutan ko eh XD
Ay oo nga pala!
Bespren ko na siya as I remember XD
Charr. Bespren ko na siya mula 5yrs old kami. Di ko na maalala kung pano basta yun na yun. Sisters talaga ang turingan namin pero ang parents namin? Magulo. Tss. Basta.- - - - - - - - - - - - - - -
Napansin kong dinala ako ng paa ko sa tapat ng clinic
HALAAAA!! OMGEE DON'T TELL ME.. *0*
Biglang may bumatok sakin
"Oy! Kaloka ka ah. Anong ginagawa mo sa clinic? May sakit ka?? First day na first day?"
"Ay puta!" Nagulat talaga ako sa part na yun. Yung tipong batok sabay sigaw sa tapat mismo ng ear ko.
Paglingon ko, "OMGEE BES!! BUHAY KAAAA XD"
"Gaga! Malamang. Ano naman tingin mo sakin?" Sabay batok ulit sakin
Ang galing talaga neto :3
"Nakaka-ilan ka na bes ah. Sasapakin na kita" kunwari lang yun syempre. Mahal na mahal ko tong hampaslupang to XD
"AyGooooo! Tara sapakan tayo" nakafighting position siya. Nakakahiya nakatingin samin yung mga dumadaan hahaha XD
Niyakap ko siya ng mahigpit. Power hug kumbaga. Niyakap niya din ako pabalik.
Higit 9years kasi kami di nagkita eh. Soreh ah XD charr
"Makayakap ka bes ah? Kala mo naman talaga di nagkita ng maraming taon. Eh kaninang umaga lang, magkavideo call tayo eh" -si bes
"Bobo talaga neto! Bakit? Mayayakap ba kita sa video call??" Hahahha buti nalang naisip ko sabihin yun
"Ay. Oo nga noh? Bobo mo bes! Hahaha" sambit niya sabay batok na naman sakin -_-
"Ang bully mo!" -ako
"Oy hindi ah. Konti lang?" -siyaKapal talaga ng mukha. Kinonti pa XD
Naglakad na kami sa hallway. Patungo sa classroom. Napag usapan kasi namin kanina sa video call na sabay kami papasok ng room. Binubully kasi to at palaging suki ng clinic.
Pano ba naman kasi, weird siya. Kung makikita niyo nga suot niya ngayon eh. Like duh? Nakalong colorful socks, at magmimistulang gown yung palda sa haba. Tapos ang init init nakajacket. Suot na naman niya yung salamin niyang bilog.
Sinabi ko naman na sa kanya na magcontact lense siya eh. Niregaluhan ko na nga, nonsense pa din :3
Pero kahit baduy niya, mahal ko pa din to. Ganun lang talaga kami maglambingan. Puro panlalait at pananakit XDNakakadiri man sabihin pero, di ako magsasawang ipagtanggol siya sa kahit kaninong tao. Kahit pa sa parents namin.
"Oy bes. Bakit ang ganda mo ngayon? Anong meron?" Tanong niya.

BINABASA MO ANG
Bes? (On-going)
Short StorySabi nga nila, not sisters by blood but sisters by heart. Yes. She's definitely my sister in my heart, my girlfriend, my pillow, my soul, my smile, my bestfriend & my everything. Pero bakit ganon? Isang araw gumising nalang akong hindi na ulit kami...