PROLOGUE
Simple lang ang buhay ko. Tahimik. Mapayapa. Hindi komplikado for short.
NOON.
Pero sa kasamaang palad, nakilala ko siya. At ang isa pang siya.
Nakilala ko SILA.
Si Jann, ang lalaking nauna sa buhay ko. Crush ko yan, matagal na. Pero, dahil sa pesteng trabaho ko, hindi ko maamin.
Susunod, si Fidd, ang pangalawang lalaki na bigla nalang pumasok sa eksena. Sa pagkakaalam ko, siya yung bago kong iffeature sa article ko ayon sa demonyo kong boss. Isang lalaking assuming na gwapo, matalino, mabait at higit sa lahat: Gentleman. Uulitin ko para matandaan niyo ng bongga, assuming. Ni hindi ko nga yan crush eh. Kaya nga nagtataka ako kung paano nasama yan sa prologue. Tss. Mga pakulo ng otor =.=""
At dahil diyan, nagkagulo ang buhay kong patay.
Simple lang naman pangarap ko eh. Ang yumaman at mabasa ang pangalang Katherine Mio sa mga dyaryo o hindi naman kaya mapanood ang magandang si ako na nagbabalita sa mga sikat na news tv. Yun lang, at wala ng iba. Pero sabi nga nila, kung may bida laging may kontrabida.
COMPLICATIONS. Lagi naman yan eh.
Tignan mo nalang si x. Napaka choosy. Hindi pwedeng basta bastang number ang ipalit sa kanya. Kailangan babagay sa partner niya na si equal sign. O kaya si elements. Tignan niyo naman, nakalagay na nga lahat lahat sa isamg table, kailangan pa ipamemorize. Take note: Kasama pa diyan ang pesteng oxidation number, atomic number at isama na ang samut-saring theories na hindi mo naman nagagamit sa tala ng buhay mo. (Maliban nalang kung branch ng science ang course mo)
Ganyan ang nangyari sa buhay ko ngayon. Kung dati, simpleng division lang ikamamatay ko na...ngayon naki-epal na si triangle at x.
Ganyan kahirap mamili. Napakaraming equations at solutions.
Puwede bang eenie meeni miniee moee nalang?
Sino ba talaga?
Si first?
Si second?
Pwede bang wala nalang? Otor kasi. Arte =.="
A/N: Pagpasensyahan ang magulong intro. Unang story ko 'to kaya sorry kung may errors at kung ano pang typo/wrong grammar diyan. Huhu, so eto na. Sasabak na 'ko sa wattpad and I need your help guys. Kahit onting critique\comments at (kakapalan ko na mukha ko XD) vote maappreciate ko :)) Harhar. Thank you por taking your time to read this ^^
P.S: Hindi ako sure kung mauupdate ko 'to regularly kaya...yeah. Want some cookie? ^o^v

BINABASA MO ANG
Si first or si second?
RomanceTunghayan ang buhay ng isang babae na may simpleng pangarap sa buhay kaso, sa kasamaang palad, dumating ang dalawang taong pilit niyang pinapalayas/pinapapasok sa buhay niyang tahimik. Basahin upang malaman ang kwento ng babeng sobrang gulo ng buhay...